Day 7: Sawasdee Bangkok


I intentionally write this entry in Tagalog, in memory of depriving myself to speak Tagalog for 4 days.


Heto na naman, I need to pack my things dahil lilipat na naman ako ng country. Eeww, mas madami na yung dirty clothes ko inside my trolley. Anyway, final leg na naman: Bangkok, so keri na.

fried noodles with veggies and meat + fruit + lemon iced tea
my free breakfast of choice from Bou Savy Gueshouse

Super good! Kinareer ko ang paggamit ng chopstix! It's not the usual free breakfast kasi i've got to choose what I like. Ayoko ng tinapay lang for breakfast. Ayoko din ng coffee.

As I was eating, naisip ko: OMG, 4 days na kong hindi nagsasalita ng Tagalog! Grabe, nakakamiss pala..

For the 2nights accommodation, 1 free dinner, daily breakfast, free transfers, and I also purchase a but ticket to Bangkok- I only paid $29! Super cheap!

Bou Savy Guesthouse
http://www.bousavyguesthouse.com/
Siem Reap, Cambodia


At 9am, sinundo na ako ng bus. Actually maliit na bus. Wala ngang cabin storage so patong-patong lang ang mga bags naming backpackers. Mostly are westerners. Aside from me, isa lang ang nakita kong solo backpacker din. At isa pa sa napansin ko, sa buong bus, ako at yung mga teenage Japanese boys lang ang mukhang bagong ligo. Kadiri yung mga westerners, halatang bagong gising, kinuha yung big backpacks, at sumakay na sa bus. Eeww. Maputi lang sila pero hindi sila hygenic.! And do I need to mention they dont smell good? 0_o

To shorten the story, it was hassle free exiting Poipet, the Cambodia border. Ang weird lang ay yung madaming stopovers. Nakipagbonding ako sa Cambodian couple (the guy works for the Thai immigration) so naisip ko sya na ang susundan ko para di ako mapahamak, as you know madaming horror stories sa immigration ng Thailand.

Act of Kindness #4: This couple shared their lunch to me, yeah wala akong food dahil malay ko bang dapat magbaon ng lunch?

Opcors na-enjoy ko ang version nila ng kanin in a bamboo plus yung barbecue yata. It doesn't matter anyway, Im just very thankful. Im in the middle of nowhere at may nagmabuting loob sakin. Ü

Between 1-2pm siguro, narating na din namin ang Aranyaprathet - border ng Thailand. Kung saan kami tinuro ng konduktor ng bus, dun din ako pumila para magpa-stamp ng passport out of Cambodia.

crossing the borders by land

Bilang hila-hila ko ang trolley, bitbit ang camera bag, plus sympre naka-payong ako dahil mainit - hindi ko na ineffortan ilabas pa ang camera ko at kumuha ng shots.

Napansin kong sa left side lumalakad ang mga tao (at this point it's very hard to distinguish kung sino ang Thai, Cambodian, o Pinoy) so sumunod lang din ako. Until I reached the immigration. I read thru Nina's blog na I need to skip the 1st crowd kahit may pila dun, dapat pumasok sa loob. At tama nga, dun ako pumila sa loob. Ang sungit ng matandang lalaki sa immigration, parang ayaw ako bigyan ng form. Papel lang naman yun, tse! Pero at least yun lang ang bad experience ko sa Thai immigration officer. After that, my passport was stamped and I officially entered Thailand!

how ironic! (yet I find this very interesting)

I thought yung bus fare na binayad ko is from Siem Reap to Thailand border lang. Hindi pala. Hinabol ako ng konduktor ng bus at sinasabi nyang kelangan ko siyang sundan. So I did. Perfect kasi wala din akong nakikitang bus or tuktuk sa paligid. Nakita ko ulit yung mga kasama ko sa bus, and we all waited to be transported to Bangkok. Mas comfortable na yung bus ngayon kasi maluwag. I occupied 2 seats para makatulog ako, for change. But I didn't sleep. This place is new, every sight on the road delighted me.

Travel time from the border to Bangkok (Khao San) was nearly 6 hours. Bumaba ako ng bus right away, grabbed my things and talked to a Thai cab driver. Mejo mahirap makipagnegotiate kasi they spoke very little English. I learned my lesson in Macau, dont just print the map your hotel, you need the Chinese name of where you are staying. At dahil solo ako in Thailand, I made sure I printed the hotel name and location in Thai.

Among the many hostels/guesthouse/hotels in Bangkok, I settled in a hotel na may promo. Joke lang. Hihi I settled for a place that's near the train station. As always, the map is the 1st thing to consider in picking an accommodation.

study your map 1st, and all your next questions will be no-nonsense ;)

I picked The Residence (The Residence Rajtaevee) Hotel in Petchburi Road. This hotel is around 150m to Rajtaevee station. Walking distance din sa Pantip plaza (for gadgets shopping). Very convenient din yung free shuttle to Siam station/Siam square. And most of all, I got this for 999baht per night for a twin room with free breakfast.

Yes a Twin Room. Kasi may kasama ako. Siya ang magiging travel buddy ko for this Bangkok trip. She's working for GMA7 in a research department and like me, mahilig din siya magtravel. The catch, never ko pa siya nameet. We will be meeting each other in the hotel lobby for the first time.

a decent twin room

with an en suite bathroom

The Residence Rajtaevee toiletries

The Residence
http://residence-hotel.com/
588/1 Petchburi Road, Rataevee, Bangkok


I waited for my travel buddy in the lobby at ang saya ko dahil finally may nakausap akong Pinoy ako after 4 days. Ansaya ng feeling na nag-uusap kami in Tagalog and the receptionists don't understand us. In the last 3 days kasi, lagi nalang ako yung clueless.

day 7 of this backpacking South East Asia trip
obviously, i already look tired from traveling

To-Do-List: travel with a stranger - check
(thank you sa mga nag-offer maging "stranger" for this To-Do-List, keep your emails coming ha..)

meet Sol, my "stranger travel buddy"
sa Bangkok na mismo kami nagmeet

We checked out Suan Lum Night Bazaar to have dinner. For directions, just follow the map. Napaka-efficient ng train system ng Bangkok.

Suan Lum Night Bazaar


our 1st authentic Thai meal

seafood fried rice, tom yum goong, and thai red curry

Bias ako, may love affair ako with Thai food. We extremely enjoyed the rice and tom yum. Yung red curry- overpowering yung taste, di ko nagustuhan. At nasira pa ang tiyan ko. Badtrip!

next entry is day 8: the grand palace

25 responses:

Chyng said...

seryoso, ang lungkot pala hindi mag-tagalog ng matagal. mas nakakadagdag homesick...

khantotantra said...

uu, mahirap pag di ka makapagsalita ng wikang nakasanayan. :D

2nd ako sa comment. :D

danda07 said...

oo naman! buti may kasama ka na.. :)

Jepoy said...

Dahil sa post mo na ito sobrang na excite me pumunta ng thailand alabeeeeet! Ang ganda ng chopstix hihihi

flipnomad said...

miss ko na pad thai

mishi said...

i must guess, this is your most favorite part of the tour! and i must say ulit, hindi pang-backpacker choice mo ng hotel, ang sosyal! ganda! :)

im just a txt away chyng, go ako sa next lakad (basta di out-of-town.lol!)

John Bueno said...

@CHYNG Yes it is stipulated in their contract (eheads) na hindi sila magpeperform in 20 years, so count it from their part 2 concert, matagal pa sila uulet... nakakainis kasi bat dipa sila magsama ulet ng permanente hehe

witsandnuts said...

Should I ever go to Thailand, I think that the food exploration will be the highlight. :)

bulakbolero.sg said...

kaengget talaga tong si chyng kung san san nagliliwaliw. lol

krizzy cabalay,RN said...

waaahh!!ate chyng alam mo ba,isa rin ako sa mga gustong maging stranger travel buddy mo but right now cant afford pa ako sa mga international tour.hanggang 2k lang kc budget ko since wala akong permanent work.lol :)) anyways,.san matandaan mo ako ate,ako ung nag email sau abt sa mom kong malakas magtrip na gustong mangolekta ng stamp sa passport nia.lol :))

Oman said...

iba ka talaga chyng. hangang-hanga na ako. i like the idea of meeting a travel-buddy for the first time in other country pa. para kasing risky eh, pero i bet since pareho naman pinoy eh ok lang. :)

kg said...

parang familiar sa akin si sol... hmmm.

tama ka, ang hirap talaga ng mga tahi umintindi ng english, for a tourist laden country, di sila nag e-english.

natawa ako sa sabi mo na mukhang bagong gising mga westerners...ganun talaga sila. huindi sila sanay maligo! true yan!

pusangkalye said...

ito na. MAIN EVENT. imememorize ko na naman to verbatim for future use. natawa din ako sa gambling and prostitution thing. parang mas kasalanan pa ang mag gamble kesa ____.bwahaha. well, that's just them. adds spice to Bangkok/Thailand life I guess. no wonder it's a haven for tourists.lol

ganda ng room mo ha. parang 5 star hotel,

dapat si Ronald McDonal magsuot din ng salakot dito sa Pilipinas kung ganun.hmmmp

Unknown said...

Again, congratulations for the successful around-the-Southeast-Asia tour! Napahanga mo talaga ako.

Kung meron ka lang din sanang "travel with someone who has never traveled before," e mag-a-apply ako. Okay siguro 'yon.

Off-topic: Nagtatanung-tanong kasi ako. Kung meron kang time, pwedeng sumagot. Hindi rin naman ito compulsary so pwede ring hindi. Pero if ever, just send your answer to my email, jakeyjunkie[at]gmail[dot].com. The question is:

"Ano'ng madalas mong sinusulat sa Motto ng slambook nu'ng Elementary o High School?"

nina said...

Panalo ka talaga mag research. Ang mura ng hotel ah, mas mura pa sa hostel!

Gepay said...

Nakakainggit naman kyo ni khantotantra.. prehas na kyo nakapunta ng Thailand.. naaalala ko kwento ni khanto "sem-sem" yung pla "same same" ang meaning.. hihihi..

Photo Cache said...

naka gurl friend nakakamiss talagang managalog pag wala ka sa sariling lupain.

ikaw yata ang receiving end ng mga random acts of kindness d2 sa trip nato.

galing naman 6 hours of sightseeing. air con ba bus?

Anonymous said...

waah naiinggit ako gusto ko talaga mag thailand syempre kasama na dun ang shopping hihi..

ako chyng gusto kita makasama magtravel one time! hehehe baka ma starstruck ako

orman said...

ang sarap basahin ng blog mo!!! i loveeeeettt! just like you, nagbonding din kaming magkakapatid sa bangkok... and super saya talaga (masakit lang sa bulsa!) keep your stories coming!!

Roninkotwo said...

Namiss ko ang Thailand...isa sa pinaka gusto kong balikan..=)

The Gasoline Dude™ said...

I love Bangkok! Isa 'yan sa malalapit sa puso ko. Haha. Sana makabalik ulit ako diyan by next year.

Na-miss ko ang pagkain, lalo na ang Pad Thai at Ma Muang. :)

escape said...

i like how you placed the pole in the middle on the second to the last photo.

kaaktuwa nga naman at talagang tinagalog mo tong post naq to at pinay pala naging travel buddy mo sa bangkok.

Robbie said...

Alam mo everytime I visit your blog naa-amaze talaga ako. It feels like I'm part of the adventure. And I actually like it kapag taglish ang pagsulat mo kasi parang mas masaya basahin.

Just how do you do it? I mean, travelling to all these places tapos wala masyadong gastos? Nakakainggit! Hahahaha.

I swear susubukan ko talaga yang travel alone mo and dito ako kukuha ng tips! Hehehe.

The Nomadic Pinoy said...

totoo Chyng, a lot of Western backpackers are not really at their most hygienic while on the road. walang ligo!

it's good to have travel buddies, kahit na you started as strangers, in the end you'll be life-long friends.

thepinaysolobackpacker said...

true! sarap tlaga ng Thai foods! kaka-miss! :) worth it ang Grand Palace d ba? :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...