Pati Ba Naman Paper Cup?

Dear Politician,

Walang tigil na nga ang advertisement mo sa TV.

Sumasali ka pa sa mga noon time show games.
LSS ng bawat isa ang jingles mo sa radyo.
Akalain mong nagpagawa ka pa ng comics ng buhay mo.
Bago ko maka-connect sa webcam, mukha mo nakikita ko.

Pati sa blog ko, mukha mo pa din yung lumabas sa ads.


Wala kang patawad, pati ba naman sa Fruitas paper cup, hindi mo pinalampas?!

sa totoo lang nakaka-umay ka na!

Parang ayoko ng 6 years na ikaw pa din makikita ko sa tv, maririnig sa radyo, at mababasa sa dyaryo.
Tantanan mo kami please lang. Umay na umay na kami sayo.

PS.
Tigilan mo na din yung press release na kawawa ka o sawimpalad ka. Walang taong ganun. Lahat tayo blessed. Lalo ka na, nag-aral ka sa Holy Child Catholic School nung elementaray, at Mapua Institute of Technology nung highschool. Hindi ko makita na kawawa ka talaga.

But actually you look pathetic to me.

* I was informed that all presidentiables also have that election cup. Oh well, malas ko naman, mukha nya pa naibigay sakin. At di ko babawiin, over umay pa din ako sa mukha mo!

43 responses:

Chyng said...

info source:

http://en.wikipedia.org/wiki/Manny_Villar

gillboard said...

tsk tsk tsk

eMPi said...

ganon talaga para mas makilala ng husto ang pangalan nila... pangalan lang ha! ehehe

The Nomadic Pinoy said...

Sensory overload na yata yan.

kg said...

i can't see the pic!!! pero kung sa fruitas cup nga yan, pathetic nga naman! super aggressive ng campaign nya talaga. over!

diba nung ondoy, pati mga styro na "donation" eh may tatak? hay naku!

princess_dyanie said...

ikaw na ang bilyonaryo!

pusangkalye said...

nakarelate ako don kasi lahat pati sa blog ads---hehe.

pero Chyng...bat mo pinatulan? hehe. he got into your nerves n talaga ha. hehe

K.L.Y.N said...

For the record, I am also a Villar-hater, but just for the sake of fairness: other presidentiables also have their faces placed on Fruitas cups.

Apparently, this is Fruitas' way of supporting honest elections this coming May (source: http://www.lalaineski.com/2010/02/21/presidentiables-in-frutas-cups/)

Nonetheless, even without the Fruitas cup, one can still say that Villar is obsessed with Presidency. Nakaka-umay na siya!

20-something girl. Pharmacist. Photography. Poetry. Techy. Bookworm. said...

hey chyng..

I'm an avid reader of your blog and saw the fruitas cups..

And, Manny Villar isn't the only one supporting that kind of advertisement, I also saw the other presidentiables like Erap, Gibo, Gordon and Noynoy (i think)

natawa ko nung nakita ko yun, wala nga silang lahat patawad. It's getting annoying

Roninkotwo said...

At ang lalong hindi ko matanggap ay ang pangako niya na magkakabahay tayo...Wala sanang lokohan ng botanteng pinoy...

Pukaykay said...

hahaha.
What a coincidence na pareho tayo ng topic sa blog.
NAKAKAINIS na talaga. Waaah!

citybuoy said...

ack! kainis nga!

sabi nga nung friend ko, kung siya yung tunay na mahirap, ano pa tayo? hampaslupa?

Cza said...

tsktsktsk.. nakakasawa na nga.. kaninang umaga lang, yung ad nya sa radio ang ilang ulit kong narinig. iba tlaga nagagawa ng pera. Tsktsk.

2ngaw said...

di man lang nya naisip na pagsasawaan sya ng tao sa dami ng ads nya...sana nga hindi manalo baka lahat ng bilihin eh may mukha nya na

Edong said...

nung minsan dumaan kami sa alabang-zapote road, binilang ng anak ko yung poster niya sa mga poste... umabot yung anak ko sa 135, pinatigil ko na... nahihilo na daw siya... hehehe

Hoobert the Awesome said...

He's everywhere, literally.

Chyng said...

@KLYN and 20-something girl,

thanks for the info. malas ko lang pala hanggang sa paper cups siya pa din natapat sakin. hihi

Hoobert the Awesome said...

ano pala ate chyng FB account mo? ;o

The Gasoline Dude™ said...

Oh, so it's not just Villar but also the other presidentiables, huh? (Based on the other comments)

I have nothing against Villar and his "self-selling strategies" actually. Ganun talaga kapag business-minded ka. If you have your own business and want to sell something, you'd want to advertise as much as possible to reach to a wider range of people. Para lang din 'yang mga commercials na maya't maya ipinapakita sa TV para lang makabenta sila ng shampoo o sabon o beer o fast food o kung ano man, na higit sa kanilang competitors.

It's all up to the voters. So we have to vote wisely.

Coffeeveggie addict. said...

Di lang sya nakakaumay,nakakairita pa huh!b0yc0tt na nga sa angkan k0 yan!kasawa na kase....nakikidaan poh!

MartinTC said...

ganyan talaga. kasi pag presidente na at naglilitawan na ang mga anomalya at kung anu-anong scandal, hindi na natin siya makikita dahil magtatago na.

parang si gloria lang.

carlotta1924 said...

nakakakilabot ang paawa effect niya. maraming maniniwala talaga sa kanya. yiiiikes!

nicquee said...

i just blocked their ads in my site kasi nauumay na ako sa kanila!

imagine my little 3yo, kilalang-kilala xa to think na hindi ko xa iboboto.

tsk tsk tsk

jimbo said...

hay sinabi mo pa. 10billion peysus nga yata yung ginastos nya for the elections panu nya mabawi yun. ay nabawi nya na pala. watch mo nalang yung link para makita bakit ayaw nyang humarap dati sa Senate hearing over the C5 extension.

http://www.youtube.com/watch?v=nUQDt-sXdlk

RJ said...

Kapag lumalabas nga ang ad niya sa TFC inu-off ko ang TV. So imagine kung ilang beses kong pinipindot ang controller ng TV ko sa loob ng isang oras, huh, di ko na binibilang.

my said...

a very conventional trapo, alright?

_ice_ said...

go villar.. go heheheh

sensya na po chyng..

the geek said...

innovative ang mga pinoy eh. hehehe

Anonymous said...

aliw 'tong post mong 'to, chyng!
nice! actually you're right;
he's ads are really annoying and gradually penetrate deep into my neurons. kainis!

x'tian said...

anyways si villar pa rin presidente ko.

Jepoy said...

I have to agree na kakaumay na nga talaga! Haist!

Parati nalang bang ganto pag mag eelection?! haist

Palito said...

Hi, Chyng.

I'm drinking FRUITAS now. Kay Gibo naman ang nasa cup ko. Galing at talino. =)

Weekend Haven said...

kahit ako masisira ang araw ko kung sya ang nakikita ko habang ninanamnam ko ang fruit shake... hahaha. buti na lang wala pa sya sa starbucks at sa mga coffee cup. :D

ur_gurLNxtdOor said...

tsk tsk tsk kalurky eto..pati sa fruitas cup ba naman andun pa...*sigh* kakasawa nga talaga! amf!

...just dropping by here ^_^

Arvin U. de la Peña said...

ang masabi ko lang ay napakarami ng naging mahirap at naging mayaman pero hindi nagmayabang..

strategy iyon para lalo pang matandaan nga mga botante..pero nasa botante kung iboboto nila..

The Beatles said...

pati si Gibo meron din sa Paper cup. Hayyyy! lahat sila pare-pareho.

Trainer Y said...

hindi lang paper cup... mugs, umbrellas... calendars.. name it.. may mga nakapaskil na pagmumukha niya---nila! hehehe

escape said...

lahat na nga gagawin.

witsandnuts said...

Kahit malayo ako sa Pilipinas, nauumay na rin ako sa ads nya. Heehee. Masyado syang paawa effect. Naafford nga nyang mag Holy Child Catholic School nung time nya eh.

Thelostrays said...

I agree...kakasuya na siya...halos lahat naman nang presidentiables nakakasuya na.;)

juyjuy said...

chyng:
yep it's forever a pathetic strat of politicians. Pero Id like to believe na matalino na mga botante ngayon. we can vote the rightful person, kaso we have limited choices. limited in a way na kahit anong dami nila, sila sila pa rin naman.

anyways, dont know how to reach you kasi i lost my phone before pero ask sana ko ng permission to use your pinatubo pics for my article and feature your blog entry as well. all credits to you. let me know if its OK, migorospe@gmail.com

Chyng said...

^ sure! ano kba, nasa FB kita! Ü

thella said...

haha :) i can feel your rage :P buti nainom mo pa yung laman ng Fruitas

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...