Everybody has a story to tell sa super bagyo and super baha na araw na yun. Late man yung sakin, pero i-share ko pa din ang experience ko- nasa bus ako sa loob ng 20 oras bago ko nakauwi.
1st 8 hours, di ako kumain, di uminom, at di nagCR. Kinailangan pa patayin ang aircon at ilaw sa bus para masave ang baterya dahil di alam kung kelan titila ang ulan at huhupa ang baha. Nakaupo lang ako sa bus. Di ko naman naisipan maglakad dahil tamad ako at ayoko maglusong sa baha. Yung ibang naglakad, pero bumalik din dahil hindi talaga kaya yung lalim ng baha.
Lumipat ako ng ibang bus na hindi aircon para di ako ginawin.
Another 12 hours, bus ride ulit. Di ako kumain, di nagCR, pero may dala nakong tubig. Walang kasiguraduhan kung kelan aandar ang bus. Ang iniisip ko lang, ang mga things to do ko pag nakauwi na ko: mag-pluck ng eybrows at magpa-manicure! Ang dirty ng nails ko! Sa pagdaan namin sa mga binahang area, nagkalat ang bakas ng baha. Lampas tao pala talaga dahil lumubog pati mga trucks.
Unbelievable pero kinaya ko ang 20 hours sa bus bago ko nakauwi. Oh, I forgot to mention na mag-isa lang ako, at walang battery ang cellphone kaya walang nakakaalam kung nasan ako.
Dun ko na nalaman ang sinapit ng iba. Grabe pala, sobrang heartbreaking. Niyakap ako ng pamilya ko, akala daw nila naglaho na ko.
Alam kong swerte pa din ako kumpara sa sinapit ng iba. Salamat sa Diyos ligtas ako at ang pamilya ko, at may bahay pa kaming tutulugan. It's still a day to be thankful for after all!
45 responses:
OK naman kami pati ang bahay namin. Mejo nalunod lang yung aso kasi nalimutan siya irelocate nung biglang taas ng baha. --> kasalanan ni Mama.
Good. Safe ka Chyng. Swerte ko kasi madaling araw ng sat ako umuwi at hindi pa baha pero malakas na ulan. Kaya hindi ako inabot sa daan. Safe din ang buong family. Kaya lang yung kapatid ko sa Cainta malaki ang damage sa bahay pati kotse nya. Ingat!
Seriously, I'm Glad you're ok too. Kinaya mo ang hindi umihi ng 20 hours?!
Salamat kay Papa Jesus at ok kayo at family mo.
Ingats parati!
Glad u (and ur family) are okei. i think i've read in one of your posts na bumabaha sa area nyo so you're one of those i remembered last weekend.
After kong umalis sa office (Ortigas) last Friday night, nitong Monday lang ulet ako nakauwi sa bahay namen (Makati). Sa street namin, kaunting ulan lang e bumabaha na sa amin.
Mabuti at naka-survive ka sa loob ng 20 hours na 'yun. Hindi rin biro ang ma-stuck nang ganu'ng katagal. At siyempre mabuti at ayos naman ang kalagayan mo at ng mga mahal mo sa buhay.
what?! 20 hours of no toilet privileges? awful...
Chyng! I'm glad you're okay...
Anhirap nga ng mag-isa ka lang tapos 20 hours ... pero oo nga, swerte ka ... nakakapraning din un sa family mo na d ka macontact... pero glAD you're ok
sorry bout ur dog...
a cousin shared the same fate as you. he got stuck in banawe ave and was forced to take refuge in a a bus overnight.
tama po salamat sa ligtas at biyayang ating natatanggap.
hanga ako sayo...yan ang kailangan gawin humingi ng pasasalamat!
Congratulations chyng, isa kang survivor!!!
At least marami nang parte ng history tayong naabutan.
one of the worst tragedy i have seen and hopefully last na to. glad ur ok.
grabe mahirap din mastuck ng halos 1 day at walang nakaalam kung asan ka!good thing ure ok
bakit pa kase gala ng gala e? hehe
ayaw mo nun mas lalo kang sesexy for your bora dahil dka nakakain for how many hours? =)
when you say, medyo nalunod yung aso... buhay pa naman siya, right?
when you say, medyo nalunod yung aso... buhay pa naman siya, right?
@sir lloyd,
buti you and grace are safe. ok lang naman ako sa bus. naiisip ko pa nga sana dala ko mga nail polish ko para di ako mabored. haha
@jepoy,
agree. salamat kay papa Jesus! He's the best!
@apple,
yeah, im from the flooded area of ---. so normal lang ang baha, pero ibang lebel yung weekend. thanks!
@jakey,
this weekm nakitira din muna ko sa isang close fren sa makati area. glad we're all ok!
@dak,
how's your car? :D
@travelistera,
mejo mahirap yung first part kasi caught off guard ako. di ako prepared na forver waiting sa bus..
@catch,
hi! after that narealize kong safe pa pala ko sa bus sa edsa..
@ever,
very very thankful!
@engel,
this too shall pass. kaya ng pinoy yan! ;D
@lawstud,
hopelyy wont happen ever again. sobrnag heartbreaking.
@manik,
masakit sa katawan. natulog ako ng bonggang 20 hours paguwe ko! haha
@kuya jimbo,
W!
at di ako galit! ;D
@abiel,
yeah. memorable experience pa din to para ishare. thanks!
@gilbert,
buhay si PINKY - japanese pits (tama ba sfeyling)
Im super glad you got home safely! I have seen pictures and videos taken during the typhoon and it's so depressing.
I hope that people will learn from this tragedy and remind them to be thankful for everything.
matindi talga etong Ondy dpa ako nkasubok ng ganun usually 1 or 2 hours lng at di lumalampas ng tao ang baha...salamat sa sharing ng story mo feel ko yun hardship lalo na ma stranded ng ganun katagl... buti naman at safe kau...ingat lagi!
@kinesics,
super heartbreaking. after nito, ang gloomy ng paligid. nagdadalwang isip na ko tuloy sa vacation trip namin this sat..
@DH,
i dont know that it was so scary until i got home at nakita ko sa news ang sinapit ng iba.
' what an ordeal.. glad to know na ok ka.. but im sure pag-uwi mo, though still in consternation over your 20 hours of being stranded, you saw that you're lucky.. heart-breaking talaga nangyare.. let's juz all pray and help in any way we can.. stay safe.. =)
thanks for the visit!
to quote a relief volunteer, the difference of this devastation was before you don't know personally the people you're donating to. currently, either, kamag-anak, officemate o friends mo. each has his/her own story to tell. *sigh*
grabe---cant imagine that kind of situation---diko lam kung kakayanin ko---patience is really a virtue.
wow... 20 hours??? this is some kind of experience huh. and i couldn't imagine that there's still worse than being stranded for that long... just imagine those lives lost...hays... i was asleep when ondoy hit...
at least ate, you and you're family is safe. at sa pagkakaalam ko wala namang bloggers na nasaktan :)
kakaawa ate yung mga nakasakay sa likod ng truck. parang mga basang sisiw na.
tsk. tsk. di pa nga tayo nakakabawi ay may padating na naman na super typhoon. hai. pray na lang tayo na sana lahat tayo maging safe and sana ala ng mamatay this time.
kinancel na po ng gov. namin ang lahat ng classes in all levels bukas. kaya po pinapauwi ako ni mommy samin.
Hi Chyng, if that happened to me, baka naihi na ako sa pants ko! Good to know that you're warm and safe now. Sana di na maulit.
God bless the victims.
@lastjedi,
yeah, safe pa pala ko sa bus nung lagay na yun. yung iba, sobrang nakakadurog ng puso ang sinapit.
@iam3x,
mahalaga we all survived. kaya yan!
@antonio,
at that time, every decision you make is crucial: will I stay in the bus or walk? hirap..
@lucas,
good to know you and your family are safe. tulong nalang tayo sa iba, the least we can do.
@poot,
tama lang cancelled muna classes para safe ang students. so wag na gagala ok? ;)
@dea,
sana wag na maulit ever. thanks!
Hey Chyng! Remember my name?
Anyways, Ive Facebooked U recently but Im still hoping na ok kayo jan.
TC Ms. Chyng!
Well, safety first.... Yung vacation nio, hopefully may next tym pa...
Im actually watching TV Patrol at the mo. Buti na lang at di siya sa Visayas (not being selfish but you know what I mean...). Si Dad lang kasi dun plus my niece... Im worried.
Oh well....
Edi pag uwi mo 2 hours kang umiihi? lolzz
Salamat naman at okey ka at yung pamilya mo...at sana hindi na maulit ang mga pangyayari, nakakaawa ang mga taong naghihirap na nga, sasapitin pa ang ganung klase ng kalamidad...
Pang-I Survive ito. Huhmn, aabangan ba ktia sa program ni Ces Drilon, Chyng?
Sigurado ang next post ay tungkol sa iyong blow out. Saan kaya ang gimmick?
wahhh ako d nakauwe naglakad sa baha -disaster ....
haiz
buti naman at kahit papaano safe kayong lahat except nga lang yung aso. naka tulong din ako sa isang aso nung baha sa lugar ng tita namin.
daming experience na hindi malilimutan.
my gosh buti di naman inatake sa puso ang mga magulang mo ng di ka macontact for 20 hours! At my golly, ang tiyaga mo!
You're right, there are a lot of things to be thankful for. Like you, we were spared. Yung other side ng village namin, lubos sa baha, lampas tao. Kami sa labas lang ng bahay. Mabait talaga si God.
Be safe always, Chyng!
Glad to hear that you're okay, Chyng. 20 hours? Walang cellphone? My goolay.
Glad your family is okay too. Take care. =)
i'm really sori bech... kahit hindi mo ko sinisisi.. i really felt guilty. :) gala kasi tayo.. yan tuloy.hehe
unforgettable experience yan. buti na lang di ako gumala ng sat ng umaga. baka stranded din ako.
Post a Comment