Just Got Lucky

We attended a binyag at walang tubig na sineserve. Softdrinks lang meron so tiis lang. Naisip kong mamya nalang ako iinom ng tubig pag-alis namin, the usual na ginagawa ko makaiwas lang sa softdrinks. Eto na, tuloy lang ako sa pagkain. At sa pansit na kinakain ko may nalasahan akong ATAY! Eeww, di ko ma-take ang lasa nun. Do or die moment. I have to make a very very tough decision. And that's the story of my

my 1st soda intake after 5 years!

Infairness, ang sarap pala ng Coke! Totoo nga ang Open Happiness!

Nasaksihan ni Sir Lloyd ang 1st time ko sa Coke. Which reminds me dapat ko batiin ang lahat ng employees ng Hitachi/HiCAP, madalas daw naka-open ang blog ko sa mga PC nyo. Wow naman, may nagbabasa ng blog ko. Thank you. Comment kayo and leave your names. (--,)

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

3 days after I blog about Dicapac, an ex-officemate (and a fan "daw" of my blog) sent me a package. To my surprise

she sent me her Dicapac

Sweet! Answerte ko naman. Thanks mareng Glady. Makakasave ako ng 1,350 feysus! Magprapractice ako para makakuha ng magandang shots! At uuwian kita ng magnet as promised. Salamat talaga.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

One rainy morning, actually kanina lang, naglalakad ako pauwe. Merong babaeng na palapit sakin at biglang sumigaw. Sa pananamit, ayos ng buhok, at sa kinikilos, wala siya sa matinong pag-iisip. Bigla syang bumuwelo at bigla akong sinuntok sa mukha! (pwede naman siguro magmura) Pu***na!

victim of terrible luck

Grabe ang sakit.
First time ko masuntok at sa mukha pa at ginawa ng taong di ko man lang kilala. Nasa state of shock pa ko ng 2 seconds at bigla na lang siyang lumakad ng parang wala lang. Tumingin ako sa paligid para may hingan ng tulong kaso malayo sila. Nakakahiya talaga dahil may mga nakakita sa kabilang kalsada. Seryoso ang sakit kaya gusto ko maluha, kaso naisip ko pag-uwe nalang ako mag-eemote.

Unbelievable!

At di ko babawiin.
Walang punch line jan. Totoo talaga.

Oh well, you cant be lucky all the time!

46 responses:

Chyng said...

Iniisip kong magfile ng leave tonight sa office. Ano kaya mas bagay, emergency leave or sick leave? *winks*

Pucha, nakakahiya masuntok sa kalsada. Para lang akong GANSGTER! haha

TOJ said...

sanay na ako sa ganyan, (weird at pangit man pakinggan) lapitin kasi ako ng baliw! haha. nasampal na ako ng baliw na nakasalubong ko sa kalsada.. nasapak rin ng baliw na nasa labas ng FX habang nakahinto ang FX na sinasakyan ko (binuksan nya ung pinto, nagsalita ng di ko naintindihan kasi naka-earphones ako, tapos biglang *kapow* sakit ng noo ko)

sana wag na maulit (sating dalawa hahah)

gillboard said...

kahit kelan di ko nagustuhan lasa ng coke...

sakit sa lalamunan inumin...

any softdrink in general.

yung nanuntok sayo, baka nakyutan lang... nanggigil... hehehe

nicquee said...

Grabe, Chyng! Buti namanage mong hindi maiyak. Naiisip ko ngayon anong gagawin ko kapag sa'kin nangyari ang nangyari sa iyo. :-|

eMPi said...

kasalanan ni atay yan Chyng... nakainom ka tuloy ng coke... :)

jimbo said...

masama daw kase yung sobrang swerte palagi e. hehe

baka nathreaten ung baliw sayo kaya ka sinapak? :P

kaya ako listo sa mga ganyang eksena pag naglalakad kase mahirap na baka sindikato o baliw mayari pako. hehe

pusangkalye said...

grabeng disiplina yan ha---natiis mo talaga na di uminum for 5 years---whew....saludo ako sayo dyan.....sayang nga lang nabreak dahil sa atay na yan--hehe

pusangkalye said...

sana me makabasa din sa mga post ko at magsend ng mga anik anik---hehe----you're big talaga---me nakakakilala sayo sa mga malls---me mga nagsesend pa su ng digipac---lol


was about to ask nga sana kung san nabibili yan---anung stores at san mga branches?

wanderingcommuter said...

seriously? ngayon ka lang nakatikim ng coke? hehehehe!

hanggang kelan ang spiral?

Hoobert the Awesome said...

ate chyng, i'm back! haha. at last! after almost a month eh may bagong entry na naman ako. na-miss mo 'ko? na-miss kasi kita at ang blog mo. hehe. medyo busy rin kasi ako sa studies ko. hehe. studies daw oh.
---

kapag sineswerte ka nga naman. kaya mula ngayon di na ako maglalalapit sa mga (toot) alam mo na. baka masuntok din ako. hehe.

x'tian said...

na-straight cut ka ni aling dionisia..hahahahahha
kwento mo sa akin yan pagnameet tayo sa wedding ni papa ley...hahahaha

ASC said...

ok ka lang ba??? i would have ran after that crazy woman and screamed at her hanggang sa tumino ulit sya hehehe. sana walang black eye.

The Scud said...

epektib ba ang dicapac?

Chyng said...

@TOJ,
nice stories! ayoko masanay. but thanks for sharing, nacomfort ako, at least di pala ako nag-iisa..

@gilbert,
sana wag na maulit ang pang-gigigil! ;D

Chyng said...

@nicquee,
gustuhin ko man umiyak, wala naman magcocomfort saken sa kalsada. mas nakakahiya mag-emote dun.

@marco,
true! i hate atay more!

Chyng said...

@kuya,
scary talaga! huminto mundo ko for 2 seconds. grabe!

@antonio,
sa DP Online Sote may DicaPac.

Chyng said...

@ewik,
nakatikin nako dait cympre. sept 29 last day!

@poot,
sya lumapit saken at di ako ang lumapit sa knya..

Chyng said...

@xtian,
natawa ka pa nasantan na nga ko! che!

@almira,
thanks for checking. mejo ok na, masakit nalang ng konti ang cheekbone ko.

@scud,
magpractice ako soon and i'll post some of my shots.

KRIS JASPER said...

I prefer Pepsi zero though.


Yang babae na yan eh dapat nasa proper establishment. Kung dito nangyari yan pwede ka pang maka claim ng payment.

I hope wala kang black eye Miss Chyng.

Iyay B. said...

Mag-cocomment lang ako sa pagsapak sayo out of no-where... Funny and scary experience yan all together!

Just to share with you I kinda had the same experience like yours minus the sapak part!

I was on my way home from school one early saturday morning wearing my school uniform. I was walking along Isetan, Cubao nang biglang may isang matandang huminto sa harapan ko at nakaturo saken tapos biglang sumigaw ng "YOU! You started the prostitution here in the Philippines!!" Ayos ba?! Hahaha!

Roninkotwo said...

Chyng..kamusta ka na...ang sakit naman nung experience na 'yun. Ingat ka...mag coke ka para mawala sakit..

_ice_ said...

hahaha natawa ako dun chyng ha..

bakit di mo sinuntok..

btw.. nakipag challenge kasi ako dun sa kabilam ayon adik ako sa tekken lagi mo akong makikita sa g4 timezone, bahay ko na ata yon, malas ko nga na demote yong isa kong character from master to 2nd dan..

Jepoy said...

Una pareho tayong ayaw sa atay w/c I find it cool. Akala nag iisa lang ako sa mundo.

Ikalawa, talagang pinigilan mo ang pag emote after masuntok?! LoL Sana lang hindi ka nag ka black eye

Allen Yuarata said...

Haha! honestly, natawa ako nung mabasa ko yung bout sa 1st intake ng coke. Naiimagine ko how hopeless you were. haha. masyado kang clown. wahahaha.

Ako din Mareng Glady, padalhan mo din ako ng dicapac. pero yung pang videocam na style na camera ha. yun ang meron ako e. yung jijicam ko nilublob ng kapatid ko sa water. Kung pinadalhan mo lang sana ako agad Maren Glady ng dicapac edi di sana nasira yon. nyahahaha.

galing galing nung sumuntok. sapul ka. nyahaha! way to go ate chyng! at least nalaman mong matibay ang mukha mo. nyahahahaha!

Chyng said...

@KJ,
gusto ko din jan, may benefits ang mga nasusuntok!

@iyay,
aylavet! english speaking ang baliw na yun. ;D

Chyng said...

@sir lloyd,
ok na. traumatic, ayoko na ulit dumaan dun.

@ice,
hi again! punch her back? parang baka lalong saktan ako nun pag ginantihan ko pa siya dba?

Chyng said...

@jepoy,
im happy nacontrol ko nga ang emotion ko dun. kakahiya na masiado. haha

@allen,
lokong bata. haha pero tama ka, i was so hesitant pa to drink that coke, pero after nun nasarapan pa ko. at di nga matibay mukha ko eh, masakit sa cheekbone!

kg said...

kakatawa naman experience mo! baka natuwa sayo yung ale kaya ka sinuntok! :)

it's nice that you don't drink softdrinks. nice...pero torture! ang sarap kaya ng coke! he! he!

Palito said...

Chyng,

Nagkalat na talaga sila sa Ayala...Ingat...

Masarap ang coke. Open happiness talaga. Hehehe.

Chyng said...

@kg,
yeah, ang hirap mapagtripan ng baliw. swertihan lang. ;D

@palito,
tlaga sa Ayala madami din? iskeri!

ITSYABOYKORKI said...

for real after five years ??
hihihi


suntok
as in ???
sabi nga ni dren ganun daw talaga mga tao dun ....
nyaks

hope ur olryt Ü

theLastJedi said...

' daig mo pah ang mga siga sa kanto e noh? yung out of nowhere, all of a sudden, nasusuntok? ahahahahahah!!!1
- you were forced to drink coke, eat liver in your pancit and you got punched.. yeah, we can't be lucky all the time.. =) stay safe, at least u already have the cam.. =)

juyjuy said...

o ayan, mejo late reaction ako ngayon. nakakloka yang masuntok na eksena ha. Pero ang lupet nga ng 5 years w/o coke!!!!!
sana kaya ko yang gawin gaya ng pagwish ko na layuan muna ako ng rice for quite sometime. LOL

Sendo said...

kk....wow..sana kaya ko rn walang soda for 5 years

Ely said...

Seriously? Hindi ka uminom ng coke for 5 years!? hehe... I on the other hand can't last for 5 days without it.

lucas said...

so how was it??? the coke i mean? hehehe! grabe medyo unfortunate nga nangyari sayo...hays... they should do something with these people. i mean they could get really violent right? i really do hope it didn't leave any evidence of violence on your beautiful face.. :)

hasikdiwa said...

Magandang gabi Chyng.
Ikaw ba ay nag-aral ng Espanol sa UP College of Arts and Letters? Kay Sir Reden?

Anonymous said...

Kaloka! Nagflash back tuloy ung mga nakakasalubong ko dati sa San Pedro. Nasagi ko ung isa ng di sinasadya. Tinignan ako ng masama tapos sinigawan ako. Scary talaga. Days after, nakita ko sya may hahampasin naman ng walis. Tatlong kabataan. Ang masama hindi nila alam na hahampasin sila. Buti na lang naisipang lumingon nung isa. Yun lang gusto ko lang ishare. :)

Chyng said...

@korki,
tell dren adik sya!

@lastjedi,
korek, para kong gangster, biglang may sumapak. haha

@juyjuy,
kaya mo din iset na no rice for 5 years. ;D

Chyng said...

@sendzki,
kaya mo rin yun,

@ely,
seriously! sayang nabreak..

@lucas,
wala namang bahid na blackeye or pasa. funny experience nalang to.

Chyng said...

@yawyawen,
hello! im not from UP college of fine arts. why? ;)

@rej,
that's scary. and traumatic. ngayon malayo palang natatakot nako sa nakatitig saken na di ko kilala..

Hoobert the Awesome said...

ate, patambay muna. kakain lang ako. whoooh.

Dhianz said...

graveh naman 'un.. nasapak kah sa mukha... tsk!.. *hugz* para kahit papaano eh u'll better sa nangyari... eniweiz.. hmmnzz... naks... first soda in five years.. wow!.. malufet.. parang nde kakayanin ata nang powers koh ang no soda at all.. well eventhough i'm not a soda fan.. once in a while i drink it pa ren... pero mas nde kakayanin nang powers koh kapag sinabi moh na coffee... hay graveh.. ewan nah.. ahehe.. ingatz kah lagi... ingatz ka na sa daan para dehinz ka masapak uletz... isang *hugz* uletz... Godbless! -di

pamatayhomesick said...

ayos, sa wakas nakapasok din ako dito..na spam at na virus ata yung pc ko..he he he..

musta na chyng..namiss ko ang blog mo.

FerBert said...

isa ako sa mga nagtratrabaho sa hitachi/HiCap hahaha.. JOOOKE

kumusta ka na ate chyng? :P

Abou said...

ur such a lucky girl

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...