Life After 20

Everybody has a story to tell sa super bagyo and super baha na araw na yun. Late man yung sakin, pero i-share ko pa din ang experience ko- nasa bus ako sa loob ng 20 oras bago ko nakauwi.

1st 8 hours, di ako kumain, di uminom, at di nagCR. Kinailangan pa patayin ang aircon at ilaw sa bus para masave ang baterya dahil di alam kung kelan titila ang ulan at huhupa ang baha. Nakaupo lang ako sa bus. Di ko naman naisipan maglakad dahil tamad ako at ayoko maglusong sa baha. Yung ibang naglakad, pero bumalik din dahil hindi talaga kaya yung lalim ng baha.


view from the 1st bus

Lumipat ako ng ibang bus na hindi aircon para di ako ginawin.


Another 12 hours, bus ride ulit. Di ako kumain, di nagCR, pero may dala nakong tubig. Walang kasiguraduhan kung kelan aandar ang bus. Ang iniisip ko lang, ang mga things to do ko pag nakauwi na ko: mag-pluck ng eybrows at magpa-manicure! Ang dirty ng nails ko! Sa pagdaan namin sa mga binahang area, nagkalat ang bakas ng baha. Lampas tao pala talaga dahil lumubog pati mga trucks.

view from the 2nd bus, free ride sa likod ng truck

Unbelievable pero kinaya ko ang 20 hours sa bus bago ko nakauwi. Oh, I forgot to mention na mag-isa lang ako, at walang battery ang cellphone kaya walang nakakaalam kung nasan ako.


and finally, im home!

Dun ko na nalaman ang sinapit ng iba. Grabe pala, sobrang heartbreaking. Niyakap ako ng pamilya ko, akala daw nila naglaho na ko.

Alam kong swerte pa din ako kumpara sa sinapit ng iba. Salamat sa Diyos ligtas ako at ang pamilya ko, at may bahay pa kaming tutulugan. It's still a day to be thankful for after all!

Water Proof, are you sure?

After the struggle, being so drugged, almost having 0 remaining sick leave credits, I'M SO BACK! What's new, I got sick again. But not reporting to work for 7 straight days- it's all worth it. Thanks to those who looked for me and noticed Ive been missing. Next time Im gone, you know where to find me. Not in Facebook (haha) but in the hospitals. Sulit si Medicard.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Moving on, I finally had the chance to test the DicaPac. First, I had to make sure first it wont leak. I placed a tissue inside the DicaPac. I soaked it in the water, and yes, it succeeded the first test. The tissue didn't get wet. Now it's time for Vincent (the name of my camera) to try it.

I forced my pamangkin na samahan ako magswimming. I needed an assistant to do this. Hi Fate, I know you're reading my blog.

Hhmm, ok. Ang hirap pala kumuha ng shots underwater. First, ang hirap magfocus dahil may waves. Unlike sa normal- controlado mo ang kamay mo para iwas shake. Second, ang hirap i-focus. Tumatama yung liwanag sa screen ng DicaPac which is plastic so nagrereflect yung ilaw. Swertihan tuloy kung nakafocus yung subject ko.

Here's my first attempt of using DicaPac.
All shots are taken below 3-4 feet only. Mahirap magpractice below 6 feet, ok?! I set my camera pala to Underwater Mode.

Btw, I brought some toys dahil my pamangkin cant hold her breath underneath the water so wala akong ibang subject. Im glad madami akong dalang toys.

hello Birdie, sorry I drowned you

I forgot, cats cant swim nga pala

Mike Wazowski is cool

Marvin doesn't need air too!

Finally, a water animal

After 30 minutes, I saw some moist in the DicaPac. I actually didn't bother at first. Pero nung nagsimula ng magkaron ng raster yung camera image ko, it's time to FREAK OUT!

I removed my camera, and yes it's kinda wet. Pinatuyo ko agad, and pinunasan. Kinabahan ako, baka nasira si Vincent. Pero after praying hard, um-OK na din sya.

Round 2, this time I followed Zig's advice to put a masking tape. After some time daw kasi mapapasukan nga ng moist. So nilagyan ko yung edges and everywhere na posible mapasukan ng tubig.

I think it's still not that OK

Nagkaron ulit ng moist at nagka-raster image ulit yung camera. Scary! Very risky na ilubog yung camera after 20 mins. Stop na. Juiceko, buti nawala yung raster ni Vincent pag-alis ko ng DicaPac.

no I wont drown Helen, my voodoo doll

I hope the shots are OK. Ang dami kong blurred and out of focus shots before I came up with the presentable ones. But now, Im having doubts if I would risk Vincent with the DicaPac. Do I recommend it? Uhm, Im afraid not. Mahal ang camera!

I forgot to mention, kelangan i-tapat yung lens sa alloted space para di matakpan yung shot. I let my pamangkin take a picture of me, and notice the black area, yan yung dapat i-sakto mo pa. Pero I think pwede gawan ng paraan yan by placing some styro or something para sakto agad sa lens.

drugged but in 2-piece

Oh yeah, nagpractice shot akong naka 2-piece pa! Btw, since somebody sent me a DicaPac, can also someone send me a new swimsuit? Isa lang kasi 2-pc ko. (--,)

Just Got Lucky

We attended a binyag at walang tubig na sineserve. Softdrinks lang meron so tiis lang. Naisip kong mamya nalang ako iinom ng tubig pag-alis namin, the usual na ginagawa ko makaiwas lang sa softdrinks. Eto na, tuloy lang ako sa pagkain. At sa pansit na kinakain ko may nalasahan akong ATAY! Eeww, di ko ma-take ang lasa nun. Do or die moment. I have to make a very very tough decision. And that's the story of my

my 1st soda intake after 5 years!

Infairness, ang sarap pala ng Coke! Totoo nga ang Open Happiness!

Nasaksihan ni Sir Lloyd ang 1st time ko sa Coke. Which reminds me dapat ko batiin ang lahat ng employees ng Hitachi/HiCAP, madalas daw naka-open ang blog ko sa mga PC nyo. Wow naman, may nagbabasa ng blog ko. Thank you. Comment kayo and leave your names. (--,)

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

3 days after I blog about Dicapac, an ex-officemate (and a fan "daw" of my blog) sent me a package. To my surprise

she sent me her Dicapac

Sweet! Answerte ko naman. Thanks mareng Glady. Makakasave ako ng 1,350 feysus! Magprapractice ako para makakuha ng magandang shots! At uuwian kita ng magnet as promised. Salamat talaga.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

One rainy morning, actually kanina lang, naglalakad ako pauwe. Merong babaeng na palapit sakin at biglang sumigaw. Sa pananamit, ayos ng buhok, at sa kinikilos, wala siya sa matinong pag-iisip. Bigla syang bumuwelo at bigla akong sinuntok sa mukha! (pwede naman siguro magmura) Pu***na!

victim of terrible luck

Grabe ang sakit.
First time ko masuntok at sa mukha pa at ginawa ng taong di ko man lang kilala. Nasa state of shock pa ko ng 2 seconds at bigla na lang siyang lumakad ng parang wala lang. Tumingin ako sa paligid para may hingan ng tulong kaso malayo sila. Nakakahiya talaga dahil may mga nakakita sa kabilang kalsada. Seryoso ang sakit kaya gusto ko maluha, kaso naisip ko pag-uwe nalang ako mag-eemote.

Unbelievable!

At di ko babawiin.
Walang punch line jan. Totoo talaga.

Oh well, you cant be lucky all the time!

I Still Want to KISS!

Kuya Jimbo (the brother of Enrico) is finally home. (thanks for the perfume and lots of Reese!) I promised I'll bring him to Chocolate Kiss, but I think I had enough. Every week present na ko dun. I looked for some competitors around UP campus area and I found one.

The restaurant's name is Chateau Verde. Sounds pangmayaman! Menu is great and just a bit expensive lang compared to Chocolate Kiss so why not try here.

Location is a bit hidden. But since it's famous, madali mo din mahahanap.


Chateau Verde

The place is surrounded by many plants, sa hallway palang nakakaaliw na. Nalito ako, san ba tayo pupunta, sa forest or sa Chateau? Chachar!


I actually like the setup. Al-fresco dining. Relaxing and peaceful ang ambience and interiors.

table setup

sound of this is very relaxing

Tara na, let's eat. To be fair (and to compare evenly), ang mga usual order ko sa ChoKiss ang dapat i-try dito.

ma-Verdeng Menu

Chicken Cordon Bleu

Presentation is lovely. But the chicken is a bit hard to chew. The mashed potato is plain. Overall, this dish is bland.

Sizzling Ribs

Looks masarap! But the rib is dry. In fairness the hickory sauce is not the instant mix we find in the grocery. Pero kulang ang serving ng sauce. The Java rice is good, plus the sidings. Compliments well with the ribs.

Gambas

Nothing spectacular. I love shrimps kaya naubos ko pa din. Haha

While we're eating I cant help but compare these food with ChoKiss. Malay mo naman bumawi sa dessert. Too bad wala silang cheesecake that day. And so we tried their best sellers.

Mango Crepe

Very tempting pagkahain sa table namin. Ang cute ng caramel somethings on top. This dessert is good! Fan ako ng mangoes!

Sansrival

No, it's not from Goldilocks. Kala ko nga din nun una. Wafers are softer. Sana lang they serve it chilled para mas masarap. Anyway, pasado pa din.

So that's it. Enough na mapatay ang curiosity ko sa Chateau Verde and to experience this once is OK. But then, your date will be impressed pa din pag dito mo siya dinala. But still, fan pa din ako ng Chocolate Kiss!

Chateau Verde, UP Campus, Diliman, QC

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...