We have undergone dead air moments sa office tapos ngayon lang ang Admin Hearing at 10pm at sa One E-Com pa sa MoA?! Seriously? Do you really believe gigising ako at mag-eeffort ng ganyan kaaga just to attend a hearing of a super delayed case?
* * *
A month ago, my 3 boys officemates had an arguement. Walang sapakan, pero dahil big boys sila, and Im the only girl in the team, na tension ako syempre. That's the only time na nakaexperience ako ng mga lalakeng may issues! Sa sobrang galit ng bawat isa akala ko talaga may aatakihin sa puso. Medyo mataba din kasi sila kaya feeling ko may sakit sila. Di na din ako nagtry umawat. Maliit lang radius ng braso ko para pumagitna sa inyo.
A month ago, my 3 boys officemates had an arguement. Walang sapakan, pero dahil big boys sila, and Im the only girl in the team, na tension ako syempre. That's the only time na nakaexperience ako ng mga lalakeng may issues! Sa sobrang galit ng bawat isa akala ko talaga may aatakihin sa puso. Medyo mataba din kasi sila kaya feeling ko may sakit sila. Di na din ako nagtry umawat. Maliit lang radius ng braso ko para pumagitna sa inyo.
Para naman mawala ang tensyon, kahit gano kamahal ay kinabukasan din bumili ako ng In-Ear Headset. May sarili akong mundo. Mag-away man kayo, Im not hearing anything! Aylavet!
Naulit ang confrontation/tension sa team namen. Tawagin ka ba namang "inutel" at "baboy-damo" sa forum ng aming company na pwede i-access ng lahat ng employees, di ka pa ba magrereact?
Note: These Big Boys'ages are 34, 32, at 26. Come on, grade 2 kayo para magbully-han ng baboy-damo?! Cant get over talaga dito...
The week after the pinaka-nakakatensyong confrontation, naglalabas na ng deadly weapons yung isa while nagtatantrums/nagdadabog everytime lalakad sa row namen. Yes, a deadly weapon - an electric stunner! Habang may tension tayo gawing hobby ang paglaro ng deadly weapon habang pinaparinig samen ang tunog ng kuryente?
Freaky!
Immediately, my other 2 teammates reported it to our supervisor (which is in Portland) and local HR. Within 24 hours, natanggal yung guard na duty that night. Pero yung nagdala ng stunner, hindi!
Acdg to our handbook (na dapat pala isapuso at isaisip mabuti)
CODE OF ETHICS
D.SAFETY / HOUSEKEEPING
d.5. Possession of illegal weapons, firearms or any deadly weapon within company premises:
Disciplinary Action:
Disciplinary Action:
1st Offense : Termination
I wish I can explain how much yung pressure at tension na nafeel ko tuwing papasok ako dito the last weeks dahil sa nagfile ng kaso yung dalawa, at mabagal ang imbestigasyon so araw-araw pa din sila magkakasama dito!
I just realized na you can choose your salary and job but you can't choose your set of well-mannered teammates.
Nagbigay na din ako ng signed formal statement about this. I felt bad for that man pero nakita ko talaga yung electric stunner.
* * *
So finally finally finally, an Admin Hearing is called for this follow up investigation.
HR: Attend a hearing at One E-com at 10pm...
Me: (What for? Ang tagal tagal na niyan. Nagbigay na ko ng Signed Formal Statement. Namatay na yung issue kaya I just dont care anymore kung magpush thru man yung investigation or not! And dont you know kapag Fri-dates lang ako pumapasaok ng 10pm no?!)
HR: Btw, log your time including your travel time here as OT.
Me: Ah OK, I'll attend! (now it's worth my time! bayad pala eh.) *winks*
UPDATE: February 4, 2009 - He got terminated.