Before reading this, check these related entries first:
At 11am, we're ready to leave Panglao island and go tour the city proper. Bye Bee Farm and PINR, we had a great time here. The best! Since it's lunch time, sa ICMall kami nagpahatid (for free) para kumain. We also found Island Souvenirs so bili muna kami ng somethings.
more than the usual Bohol tour
For our stay in Tagbilaran City, I chose Vest Pension House and paid in advance. Free transfers but no free breakfast. When we got there, the receptionist upgraded our room (again) for free! Remember may free upgrade din kami sa Bee Farm! Yey!
Nagbasa ko ng hundreds of forums and threads sa Pinoy Exchange, nangulit sa mga bloggers, nag-email at tumawag sa different resorts and hotels to have the best deals, and nagtanong sa kung sino-sinong nasa multiply kahit di ko kilala para bigyan ako ng reviews sa Bee Farm, PINR, and Vest. It really pays magresearch. Everything here is DIY.
Moving on, for the tour, antagal ko inaral to. Nakabisado ko ang mapa ng Bohol (at Cebu) para sa route. Di kasi ako convinced na maghire ng car for the tour. Mahal ang P2,000 dahil dalawa lang kami. Iilan lang naman ang gusto namin puntahan, wag na yung mga boring sites. Pero nung nalaman kong sobrang malayo ang Choco Hills (55kms from the city), aysus, maghire na tayo! Madalang pa pala sa patak ng ulan mga public vehicles dito.
I found RJ sa Sulit.com. He's offering P1,800 inclusive of the car/gas/driver. In addition to, siya lang pumayag sa itineray na ginawa ko. Yung iba kasi pinipilit na standard IT lang, eh ayoko nga! Sa standard IT, 8 or 9 am nagsstart ang tour at natatapos by 5. Pero yung samin, nagstart ng 1pm. Eto pa, sinama ko sa IT ang Mag-aso Falls na nasa kabilang panig ng daigdig, so additional P200. Deal na ko jan!
As we tour, narealized kong worth the pay lahat kasi magkakalayo talaga ang tourist spots. Lalo na pag sinabi ko sayong eto ang service na yun.
Sulit nga!
rjtoursbohol@gmail.com
0907 711 9727 / 0927 349 6197
Game na. Let's start the...
Bohol Trip
Baclayon Church. 6 kilometers from Tagbilaran City
statue in the sky
spectacular ang altar
Baclayon Museum. 2nd floor lang ng Baclayon Church. No cameras allowed.
Museo Eklesiastiko
Mag-aso Falls. Located in Antequera, 20kms from Tagbilaran City. Umulan ng todo sa byahe, pero nung malapit na kami, the rain stopped. God is good no? First time kong makakita ng falls sa buhay ko! Next time dapat ko na maexperince maligo dito.
200 slightly slippery steps to the falls
True or Falls?
Amazing!
Tarsier Sanctuary in Corella. 10 kms from the city. We prefer na dito sila makita, sa natural habitat nila. Nakakaawa kasi yung ibang tarsiers sa Loboc, parang mamamatay na dahil too abused sila.
ang charming
i like how this one projects its shoulders
Loboc River. 21kms from the city. In fairness, better than we saw in pictures.
now I know why this is famous
day cruise at the river Man Made Forest. Located in Bilar. Madadaanan to sa ayaw at sa gusto mo. These are mahagony trees. Ang dami. Naging very photogenic ang high way because of these trees.
Very photogenic!
Chocolate Hills. 55kms away. Kahit gano kalayo, these are must see. Ang galing kung paano nagkaroon ng mga 1,268 tree-less hills dito. They change colors pa kung dry o rainy season.
200 steps again
Mejo mahirap kumuha ng good shot kasi may harang, blocking ang hills from this viewing area, at may ibang tao. Ang cloudy pa. So nanghiram ako ng picture, obviously this photo is from Enrico.
the hills are alive in HDR
what's your weakness?
Loboc River Night Cruise with Buffet Dinner. This is the reason bakit dumaan lang kame sa river earlier. Thanks to Dak at nalaman kong may night cruise na pala. Among the many, si RJ (the driver) lang ang pumayag na gabi to puntahan. Sa standard IT kasi, lunch time to. Konti lang kameng guests at night, unlike daw pag lunch na parang palengke sa dame ng tao. Mas naenjoy namin ang food, ang cruise, at ang view.
the cruise boat
let's board!
buffet dinner (inferness masarap na din)
I cant show you through my shots kung gano kaganda ang river cruise. Basta different interchanging lights are scattered all around para i-highlight ang calmness ng paligid. May singers din sa boat (at sa kanila ko unang narinig ang theme song ng Bohol) to make the cruise more enjoyable.
I know this is not a very good shot, but just to give you an idea sa cruise.
interchanging lights to showcase the trees
same lights are present on these bridges
Sa dulo ay may mini falls. Nung pabalik na, dumaan kame sa lighted floating something na madameng tao. Performers pala sila. Huminto yung boat namen and they started singing the Bohol theme song. After that, these women danced naman. Then another set, the young girls, entertained us. Then these kids are the highlight of their show. Some guests even danced with the performers. Fun!
folk dancers
very bibbo kidsI had goosebumps on how the locals here expressed their gratitude to the tourists.. Never miss this cruise, indeed a very great experience. Outstanding ang Bohol for me. From the beaches, to the nature tripping, to the food, the locals, everything! We enjoyed this vacation more than we expected. I highly recommend, you should also...

Experience Bohol in one of your future trips!