I Heit You

While thinking of a topic for my '10 days to go' entry, I asked Chyng about the 10 things she hate about me. Inspired by julia stiles' movie (10 Things I Hate About You). Here are her answers. 'Yung iba sa akin na galing kasi alam kong kinakainisan niya 'yun.10 Things She Hate "daw" About Me

ten Pag-inom ng softdrinks 'pag hindi kme magkasama
Lagi niya sinasabi na umiinom pa rin ako. Drinking softdrinks is a crime for her. Kulang na lang sabihan kang "Alcoholic!" Medyo mahirap siya i-convince kasi lagi niya ko nahuhuli na nagisisnungaling. But seriously, for 2008, 500mL pa lang ang softdrinks intake ng katawan ko. If you don't want to believe me, magpa-softdrinks test pa tayo (parang DNA testing lang, hehe).

nayn Hearing the lines, "Nasasakal na ako"
Nung Satur-date namin, favorite kong sabihin 'yung linyang nasasakal na ako. Eto 'yung sample:
chyng: San tayo kakain?
enrico: Jabee, jabee! (with maharot dance moves)
chyng: Ang harot mo naman e. Kaya ako inuubo. Sa iba naman, nangangati na ako sa jollibee
enrico: You asked me, so i answered. Sige pili ka na lang kung san mo gusto.
chyng: Gusto mo dito? E dito? Show some interest or excitement naman
enrico: Pag makulit ako, ayaw mo. Pag tahimik naman ako, ayaw mo pa rin. I can't do this anymore, nasasakal na ako
chyng (sa isip lang niya): Hindi lang nakapag-jollibee nasasakal na.

Funny thing bukod sa jollibee craving at tantrums ko, nung nagsukat ako ng mood ring, purple, este dark blue pala ang naging color
chyng: meron ka bang nakikitang purple jan, babasahin na lang e;
enrico: grabe ka naman, nasasakal na talaga ako.
Na ang ibig sabihin, dark blue = very happy. Nasasakal pero very happy. Oh well, hindi talaga ako magaling magsinungaling. Pero magaling naman ang acting ko.
Btw, nakapag-jollibee pa rin kami that day. I got a tuna pie. Yey!
Note: Ang hirit na 'yun ay pawang LMLS (last movie line syndrome) lang. Hang-over sa isang movie lunch na gustong-gusto panoorin ng mga ka-team kong gels.

eyt Eating too much kahit busog na ako
Father's day, a week after Kuya's birthday and 2 days before my birthday, my dad decided that we have dinner sa seaside together with my tito, tita, cousin, kuya's girlfriend and Chyng. As usual, konti lang ang nakain ni Chyng. She's lucky dahil hindi niya katabi si Mama. Hobby kasi ni Mama na maglagay ng pagkain sa plato ng mga bisita. After ko kumain ng 3 servings of rice and assorted ulam, Chyng was looking at me. 'Yung parang sinasabi niyang andami ko nang nakain. So I said, "Tapos na ko. Inubos ko lang yung brocolli dahil walang may gusto at uubusin ko na lang 'yung onion rings." Sabi niya, "Dude, hindi 'yan onion rings. Calamares 'yan. Grabe, naubos mo 'yung isang bandehado."
Growing boy kasi. Intindihin niyo na lang ako. Eating is one of those simple pleasures that I enjoy.

seben Kamay na parang na-stroke
Mahilig ako manita pag pasaway na si Chyng. Kaya naman pag meron siya ginawa or sinabi na dapat nang sitahin, parang maii-stroke ang kamay ko habang holding hands kami. Sino ba naman gusto humawak sa matigas na kamay? Wala raw siyang maramdaman pag ganun. It's better naman that way kesa magsalita ako na ma0-obvious pa ng iba. Believe me, effective yun.

Holding stroke hands while showcasing fossil watch


Note: No offense meant to people who had stroke or people who have relatives na na-stroke. 'Yun lang kasi ang naisip kong madaling description sa pangungulit ko.

siks 10 million calls from work via the support phone
Chyng is not the selosa type. Lagi niyang sinasabing pinipili lang ang pagseselosan. So kahit halos babae ang nasa team ko ngayon, ang dating ka-dance dance ko sa Mega pag-lunch ay babae at ang pinaka-close ko sa office ay babae pa rin, hindi pa rin siya nagseselos (e pano, puro boys naman ang ka-team niya). Wag ka lang niya mahuhuling nagna-number seben (yung #7 ng entry na to). Naku, 10 minutes na away yan.
But if there's one thing na pinagseselosan niya nang todo, it's work. Lalo na pag Satur-date namin and nagkita kami hapon na kasi I had to work on a weekend. Tapos while having coffee, tatawagan pa rin ako. Ayaw niya 'yun. Kasi 'yun na nga lang 'yung time naming dalawa. Kaya nga nung na-hold-up ako sa bus at binigay ko si Cali (nokia phone ko), sabi niya, "bakit hindi na lang si support phone ang binigay mo?"

Just another satur-date outside the office.

payb Paglalambing or pang-iinis
I have this habit of pang-iinis just for the sake of having an argument. Pero minsan it's plain pangungulit lang talga.
She doesn't like it pag di na niya alam kung naglalambing ba ako o nang-iinis na talga. My answer, it's the same. Pag nang-iinis ako, nilalambing kita nun. Natutuwa kasi ako 'pag kunwari nag-aaway tayo. (don't worry, hindi na ako mapipikon pag inasa mo naman ako). Sabi mo nga, parang ito lang yung ginagawa sa atin ng mga mama natin. Naglalambing sila pero naiinis tayo minsan.

Parang ganitong paglalambing/pangungulit ng nanay

por Making beso with other girls
BESO ha, hindi BOSO! What can i do? It's my way of socializing with my female friends (hindi naman sa lahat). Okay, okay, hindi ko na lang ipapakita. Pero i just have one request, pag sikat na akong modelo o artista, you might see me na nakikipagbeso sa ibang babae, wag ka sana magtatampo. Part lang yun ng work. Naku, pano pa kaya pag nag-gums-to-gums kami ni anne curtis.


tri Making lasing on weeknights
Di neman ako nalalashing e. And i'm not conio when i'm drunk. Alam mo kung gaano mang-pressure sila mr. empire at antonio. Everything has a purpose. Kaya ako nagpakita sa kanila last Thursday kasi I know that I may not see them sa weekend (dahil may saturdate or sundate tayo). At hindi nga. Mr. empire, sorry na ha. Good luck later sa Arneyo game.

tu
Being late
Guilty as charged ako dito. I'm very very sorry for the nth time na na-late ako sa date natin. Bumabawi na naman ako ngayon di ba. Hehe.
Worst late moment ko 'yung nagpunta siya sa office tapos she waited for more than an hour. Tapos hindi niya ako maaway kasi sandali lang kami makakapag-date. Kumbaga, sandali na nga lang kayo magkikita, mag-aaway pa kayo. At alam din naman niya na kung wala na akong work, gustong-gusto ko na rin magkita kami. Buti na lang kakampi ko si time and reason. Joke! Sorry po nang marami sa mga instances na 'yun.


wan Hearing the word 'Singapore'
We've been planning, okay, I've been considering of working abroad. To save money, buy a house and eventually get married. Hehe. And because hindi okay si Chyng sa setup na magkakalayo kami nang matagal, she doesn't like the the idea of me working abroad. Na-stress daw siya sa topic na 'yun. Hmmm, matagal na naman akong hindi nangungulit di ba? But we'll have to talk about it in the near future. Very soon... :9

Check niyo rin entry ni Chyng: 10 things he hate daw about me

copied from Enrico's blog
written sometime July 2008

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Anytime soon (or very soon), he will be deleting his blog. And I dont know how I can have a piece of remembrance of his entries which are my favorites. So I thought of reposting the entry to my blog.

I chose this HATE entry because this is a unique blog idea; listing the things you hate but still continue to love despite those imperfections. He wrote this after our 1st month. Now we're together for 16 months. Not much years compared to others, but I've always been happy to have this relationship we're in.

24 responses:

Chyng said...

Dont tell me tinapos mong basahin tong ganitong kahabang entry? (--,)

Jepoy said...

Base!

Oo tinapos ko at naiinggit ako sa entry ni Enrico. Makagawa nga rin pero sakin trenta :-D

Roninkotwo said...

Talagang end of the world na ang pakikipagsapalaran ni enrico paclibares...tsk tsk tsk...

Naisipan ko na rin gawin yun dati, pero mahirap gawin...

More power sa no spam, no virus, no kiddin!, walang iwanan ha..hehehe

Maria said...

nako, may basehan naman ang mga "hate" entries na yan eh. Believe me, you're not alone, more than half ang guilty din ako

eMPi said...

tinapos kong basahin...hehehe! natuwa ako sa inyo... babasahin ko rin yong sa kabila... :)

jimbo said...

burahin nya na ba ung blog nya? kaya parang pamilyar yung blog na yun sa kanya pala yun. hehe

ginawan din ako dati ng ganyan ni ano.... =) kilala mo naman siguro kung sino yun. bawal magbanggit ng name avid reader mo yata sila. hehehe

AL Kapawn said...

ang haba, sumakit ang mata ko sa pagbasa ng post mo.. pero enjoy ako me dating..

kaya lang nalagpasan kita, sayo sampu lang..sa akin, sampu't kalahati.. he he he

gillboard said...

awwwwwwwwwwwww...

oo tinapos ko tong mahabang entry mo... hehehe

juyjuy said...

TINAPOS ko chyng infairness....
Ang sweet...agree ako siguro na wag kayo magkahiwalay.. napakahirap, nakakabaliw pero masaya din naman kahit pano. I hope both of you will grow in that love.. namiss ko tuloy bigla ang mahal ko.

Chyng said...

@jepoy,
30 things you hate about me? haha

@sir lloyd,
basta tayo may blog pa din. ;D

@curious,
aylavet. may basehan!

Chyng said...

@marco,
wag na, boring yun..

@kuya,
no comment

@alkapon,
super haba no! pampatay oras. :D

Chyng said...

@gilbert,
may napala ka ba? hehe

@juyjuy,
happily ever after is not free

AL Kapawn said...

ang bilis pabalik d2, walang trapik.kasi naka add ka na sa blogroll ko.

tenk yu nga pala sa komento..

Alberto nga pala real name ko.. pero sekret na lang yung apelyedo ko kasi medyo maantot.. baka takpan mo lang ang iyong ilong. he he he

You can call me Albert.. al for short.. Alkapon for long..

escape said...

hahaha... huli ko na nalaman na kay enrico pala to. hehehe... astig double posts.

Traveliztera said...

nakakatawa tong entry na toh lol... nkkrelate aq sa iba hahahaha

uragon said...

ang haba naman, hehehe

Axel said...

Nakakasakal namang basahin toh... hehehe...

Nagbabalak BF mo umalis?? Sa Singapore?? Mataas din cost of living dun ah, hirap maka-save lalo na kung hindi rin ganun kataas ang sahod na makukuha mo dun...

Oman said...

di kayo tao. di kayo hayop. kayo ay bagay... bagay na bagay.

Allen Yuarata said...

actually tinapos ko to. haha. normally kasi, when you read numbered or bulleted posts, ang tendency kelangan mo talaga sunud-sunurin. Or else mabibitin ka. haha.

SINGAPORE SINGAPORE SINGAPORE! nyahaha! joke lang ate chyng.

tama yung sabi ni lawstude. bagay na bagay!

pusangkalye said...

alala ko tuloy nung nag-uumpisa palang kami--talagang puro Jollibee lang. kasi safe. kasio mura. hehe

Katuwa namn yung Singapore thing. Too bad, but we have to make hard decisions sometimes and that's something that you inevitably make in the future....sigh

Krista said...

namamasyal ako at nakita ko ang ka-blog na ito.

nawindang ako sa number ten.bawal uminom ng softdrinks? as in?? he he.. personal choice mo yun, don't impose it to someone.. thought lang.. anyways nice blog.. keep on writing..

pusangkalye said...

special mention kita sa bee farm post ko---thanks pala sa lahat ng advices. laking tulong. hug hug. lol

Iyay B. said...

haaay! (buntong hininga ng malalim)

yiN said...

sino si ching at sino si enrico? yun ang unang tanong ko. yun pala shared yung blog hehe. tsuri naman. naligaw nagbasa natuwa sumigaw at umalis. baka bumalik pa.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...