The Way We Eat

Mas maiintindiihan mo yung ugali ng isang tao kung malalaman mo kung saang pamilya siya pinalaki. Bawat pamilya merong ka-weird-ohan. Sa amin, isa yung pagiging paranoid sa weight. Oh yes, ayaw ng buong pamilya namen ang tumaba. Hindi pwedeng wala kame pakialam dahil chinecheck ni papa ang weight namen from time to time. Batas sa aming pamilya ang mag-jogging at aerobics. Buti na nga lang at night shift ako kaya ginagawa ko yung excuse yun para di ako sumama. Pero dati, wala talagang ligtas. Sa pagkain, ganun din, napakaconcious. Iwas kame sa maalat at matamis. Lumaki akong walang lasang pagkain ang mga pinakasarap para saken. Mahilig din naman kame kumain, pero ang pagkain ng madami- hindi kame sanay sa ganyan.

Kaya ngayon, kilala ako sa di pag-ubos ng pagkain ko. Sayang pag kakain sa labas lalo na pag mahal. Nahihiya din ako pag nasa ibang bahay kasi di ko mauubos ang pagkain kaya konti lang ang kukunin ko. Kala tuloy ng iba choosy ako. Ewan ko ba, parang normal na saken na dapat di ko maubos ang pagkain ko.

Last Mother's Day, inaya ko ang parents ko for a lunch out. Sa Luk Foo Cantonese Kitchen na malapit samen.


at Luk Foo

eto na ang food, yey!

Chopseuy - Asado Roll - Beef Tenderloin - Pineapple Rice

At eto ang aking parents. Grabe yang dalawang yan, after 25 years of marriage di pa din mapaghiwalay. They still date, naghoholding hands, sabay kumakain, naliligo at natutulog. Nagkwekwentuhan at tawanan pa kala mo nagliligawan.

the sweetest couple ever

Going back, natuwa lang si mama kaya inorder nya ang pineapple rice na yun. Buti nalang at nasarapan sila sa pagkain. Pati presentation ok din. Nasiyahan ako kasi nagustuhan nila ang lunch date nameng tatlo.

And of course after ilang minutes lang tapos na kame kumain. Ang resulta...

nabawasan naman ng konti

Big no-no talaga ang pagkain ng madame. Di naman kame aksayado kasi inuwe pa namen ang madameng sobra at kinain yun sa gabi. (--,)

43 responses:

Chyng said...

Nagutom ako sa post kong to. haha

wanderingcommuter said...

nagtataka pa dina ko saan mo linalagay kinakain mo?

gillboard said...

kamukha mo nanay mo... hehehe

eMPi said...

sarap ng food oh... akin na ang tira.... hehehehe!

Ely said...

nsgutom sko bigla! bangon na nga at makakain na. hehehe

juyjuy said...

ang sarap ng mga food chyng!
kung samin yan, walang matitira jan.. haha!

kami naman, di pihikan sa food at di rin weight conscious na parang pinagsisihan ko na ngayon dahil ang laki ng chan ko. pero hindi kami lumaki sa chichirya. bawal talaga tapos mga high school na ko natuto kumain ng piatos at nova

escape said...

astig sila. sila ang mga huwarang magulang. tatay at nanay ko rin 35years na sila.

kakatuwa naman ang tatay mo at minamasdan talaga ang timbang niyo.

Mink said...

napaka alaga naman ng magulang mo...
kamukha mo nga nanay mo.

:)

Garando said...

Nakakatuwa naman ang family mo. That's actually a very good idea. Ma re-apply nga yan pag may family na kami ni Garandee. :D Ngayon pa lang magpa-practice nako.

jimbo said...

bawal samin mahinang kumain ha?

now palang magpraktis ka ng sumabay sa malakas na kainan. haha

darkhorse said...

Pineapple rice? wow bago sa kin yun ah...sweet naman sa magulang kaya spoiled ka...ikaw lng ba only child? pansin ko lng.... :)

Axel said...

Sayang naman may mga natirang food...
Sana sinabihan mo ko para may taga ubos kayo...

hehehe...

Chyng said...

@ewik,
uhm definitely not sa boobs area! haha

@gibo,
oo nga eh! ngiti palang..

@marco,
kagutom no?

Chyng said...

@ely,
1pm kna nagising?

@juyjuy,
wow, masaya din sa pamilya nya. swerte mo din!

@dong,
kung kinalabit mo ko sa greenbelt, nakita ko din sana parents mo..

Chyng said...

@mink,
hi! kamukha ko si mama! hehe

@garando,
magandang practice, kaso lang naging paranoid kame sa weight namen..

Chyng said...

@kuya jimbo,
i know. madame namen kinakain ko pag invited ak osa family dinner nyo. pramis! :D

@DH,
we are 7. pero ako nalang walang asawa so im still with my parents. yeah, sarap nung pineapple rice!

@axel,
cge next time! hehe

Kape Kanlaon\ said...

good thing I'm popping a can of sliced dole pineapples. nagutom ako sa pineapples and rice..sarap siguro nun..
kahit ako mag-isa mauubos ko ata yun, chyng...hehehehe :D takaw ko kasi minsan..hahahaha

KRIS JASPER said...

di ka pala pwedeng dalhin sa mga Eat All You CAn buffet resto kasi sayang lang ang entrance. LOL!

sana ang appetite mo eh appetite ko rin. sigh....

lucas said...

[Sa amin, isa yung pagiging paranoid sa weight. Oh yes, ayaw ng buong pamilya namen ang tumaba. Hindi pwedeng wala kame pakialam dahil chinecheck ni papa ang weight namen from time to time. Batas sa aming pamilya ang mag-jogging at aerobics.]

sana meron din saming ganito! hahaha! seriously, nagtatabaan na kami...ako lang pala! hahaha!

ang sarap nung mga pagkain...mukhang ang sarap ubusin! hehehe!

kudos to your mom and dad :)


---
nako ayoko din ng truth or consequence nung HS. hehe! medyo awkward pa kasi tayo nun eh..hehe!

thanks :)

Sidney said...

Did you eat all this??? ;-)
Indeed...a sweet looking couple!

Hoobert the Awesome said...

wow. your parents is very lucky to have you.

hindi ko pa kayang i-date si mama kasi bakasyon. wala pa akong allowance. hehe.

ate chyng, it's my birthday today!

Dhianz said...

kakatuwa naman ang parents moh.... samen thank God more than 25 years na ren silah.. pero mas marami atah ang away sa ka-sweetan... lolz... pero lately ayos naman silah.... sarap tignan nang mga foods... kme pakainin moh nyan.... parang kulang sa amen... lolz... ingatz lagi ms.sexy chyng... ahhh... no wonder sexy kah... kaya palah.... ingatz... Godbless! -di

Palito said...

Nakakagutom naman ito, Chyng. Nice photos. Nakakainspire talaga ang mga parents mo.

At dahil dyan, magcha-Chowking or magsu-superbowl ako tonight. =)

Axel said...

Ahahaha, ayus!! aabannga ko yan...

Allen Yuarata said...

Ang sweet ng parents mo ah!

Sa pamilya namin, priority and tulog before anything else. My mom would tell us to skip a day at school to spend it on sleeping the whole day. She even suggested I reduce my school load in half to give time to rest. But if I do that, i'd spend 10 years in college. We don't want that, do we?

Nice family you got there! Good for you ate!

Krisha said...

cute naman ng parents mo, talagang nag da date pa sila till now?

hindi ka ba nagugutom? nakakagutom yung mga pagkain diyan haha

pusangkalye said...

now I know kung saan mo minana yaang ka-sweetan mo at killer smile mo---hehe

Chyng said...

@lance,
sarap din nyan, fruits!

@kj,
FB buddy! luge ko tlga sa mga eat all you can. id rather take photos than eat. hehe

@lucas,
then you are blessed kasi madame kayo nakakain! wee!

Chyng said...

@sidney,
tikim lang. di ko kayang ubusin.

@poot,
pag may work kna, magagwa mo na yan ng madalas.
happy birthday!

@dhianz,
sarap kasi kumain, pero ayaw lang namen kumain ng mdame. ;)

Chyng said...

@palito,
hey! where have you been? magpost ka naman ng travel shots mo!

@allen,
wow ayos yan. tama ka, mahalaga tulog. mas nakakamatay daw walang tulog kesa walang makain..

@antonio,
kamukhang kamukha ko no? hehe

Sendo said...

samin walang batas...ubusan ng pagkain hehe..di pa ko kumakain..nakakagutom naman pictures mo!

Paking said...

cool ng parents mo! nice post.

caryn said...

hahahah! nakasama na nga pala kitang kumain chyng ;-) you look like your parents. ang saya!

wanderingcommuter said...

wag mo ng ipahula chyng kungsaan, magbibiak ang lupa!

lucas said...

yeah...the apat nga yung namatay sa book. they spared the 4th one in the movie... nako mas magugustuhan yun ni kris jasper kapag pinakita pa yung pagpatay. hehe! i agree.the pace of the movie was fluid and thrilling.

kg said...

"Batas sa aming pamilya ang mag-jogging at aerobics"

di ako pwede sa pamilya nyo! he! he!

worldtrendz said...

Hi Friend.. Interesting post.. Do keep up the good work.. Visit my blog and post your comments.. Take care mate.. Cheers!

goldensparks said...

great post.. do visit mine!

ferl said...

hi chyng! san tong resto na toh? do you have the address?

Looking For The Source said...

sarap ng food!! waaaah!

Teknisyan said...

makapag almusal na nga!!! :)

http://teknisyan.blogspot.com
http://thingsigotfromthenet.blogspot.com

i♥pinkc00kies said...

masarap nga dyan! like ko pancit nila, mapo tofu and beef with brocolli :)

my lolo loves the spareribs and cold cuts naman!

family fave din namin yan e.. :D

Anonymous said...

i love the food at luk foo.
. great portion size as well ----mike
gourmandtales.wordpress.com

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...