Mejo nagpanic nako kasi there's just one month left so kelangan ko na talaga mag-apply. Jeric can easily make time for this dahil first- anlapit nia lang sa DFA, at second- pwede ciang magleave anytime he wants! Unlike me, wala pa kong paid leave at ayoko ma-undertime.
I heard from Carlo na dumaan cia sa travel agent kaya ngayon meron na ciang passpot! Si Carlo? Si Carlo na walang tolerance sa pagpila ng matagal? Si Carlo na walang requirements kundi ang ID at birth certificate nia? Oh my! I decided na magtravel agent na din.
I logged on sa official site ng DFA and it linked me sa Pilipinas Teleserv. I just filled up the application form there, and tapos na! I got to choose pa the pick up and personal appearance dates na convenient saken.
Look at the fancy dates. Napansin ko full of lucky 8's!
The day after I applied online, dumating na yung courier, which is 2GO, sa bahay namen to pick up my requirements. I just handed my company ID, birth certificate, E-1 form, and NBI clearance. Nagpasa din pala ko ng passport size ID pictures. Di naman pala dapat bongga ang ipapasa na certificates, as long as it proves na Filipino citizen ka, that's your real name and birthday- valid na document na yun. Ayos! Upon pick-up of these is the payment which P1,300. The messenger pala is courteous and was able to answer all my question regarding this whole application.
After 3 days, someone from Teleserv called me. Rejected daw ang submitted pictures ko. Hahaha Ok lang, anlake kaya ng pisngi ko dun. Tatawagin na naman ako ni c3 na Jollibee! I said sa personal appearance day ko, dun nalang ako magpapapicture.
Today is July 28 so it's my personal appearance day. At dahil my sleeping disorder ako, 9am palang ay nasa DFA nako. Ok, andameng fixerssss! NOTE: mga naka-ID sila inferness. Lahat kung saan-saan ka ididirect. Award-wining ang acting nila para sumama ka sa knila. But since wala nga akong alam sa mga pinagsasasabe nilang forms and all, deadma lang. Derecho sa entrance.
Sa entrance palang, nakita ko na ang sign ng Teleserv. I asked one of the ushers. Tapos he assisted me agad papuntang gate3. And since I am a customer of Teleserv, i am entitled to a priority lane. Deadma sa lahat ng pila. Pagdating sa loob kinuha lang name ko and i waited there. After 2 minutes may lumapit saken, dinala ko sa isang window. I saw there my almost finished application form. Ang personal appearance pala ay pag-thumbprinting at pagpirma lang. Oh, and for the picture, someone from Teleserve assisted me again. 2 mins after, may picture nako!
That's all, i stayed in DFA for about 10 minutes! Sa August 8, 2008 which is 08-08-08 ay idedeliver ang passport ko. Amazing! Super convenient. Excellent ang service ng Teleserv. Let your money work for you.