Planning palang, excited nako. I chose Anawangin, Nagsasa, and Capones because I've read walang accomodation, walang kuryente, walang singal ng cellphone, and less ang crowd dun. It is accessible by bus kasi sa Zambales lang and mura pa ang budget, so perfect!
I invited Dred, Tin, and Makis- my college friends. We rode the bus at Victory Liner around 7am, kaso late si Tin. Mejo taranta mode ako that time dahil nagwithdraw ako thru ChinaBank at na-debit ako, Syet!
Anyway, to go to Anawangin, Nagsasa, and Capones, you have to ride a bus going to Iba or Sta.Cruz. Sa San Antonio ang baba. Fare is P251 only. Travel time is 4 hours. Dami kasi stopover.
Once in San Antonio, we rode a tricycle to San Miguel. Dyan kami mineet ng aming boatman na si mang Johnny (0920.222.4687). He is the trusted contact in Female Network. Since wala kaming tent, sa kanya na din kami nagrent. He charged us P2500 for the 4 islands (Camara, Anawangin, Nagsasa, Capones) that we'll go to plus the rent ng 2 tents. Good deal. I also asked him kung pwede sa kanila na magpaluto ng kanin, ulam, pati magpabili ng mineral water at yelo. Lahat pwede! Mas convenient kesa kami pa magprepare (as if marunong ako). He charged us fairly. May breakdown kung how much yung pinamili, at ikaw na bahala magdagdag para sa effort nya magluto. Good deal!
meet Mang Johnny and my friends
Tama nga si Rocky, a new friend, maalon sa lugar. Pero di ko inexpect na ganun yung level ng current. At normal pa daw yun. Lucky us mejo "tame" pa ang waves ng lagay na yun, at nagkakadasunka na si Dred. This is fun! I still say it is safe. Sasabihin naman agad ni Mang Johnny kung di pwede magsail, ttext ka nya agad na wag na tumuloy ng Zambales. Sayang nga naman ang byahe.
CAMARA
First destination, Camara. Not much too see daw so di na kami bumababa.
Inferness, the water is clear. This boat ride reminds me of Caramoan. Only the boat is smaller here. Pang 4 persons lang talaga.
ANAWANGIN
Moving on, next island is Anawangin. This is the common campsite. Dami ngang tao.
The place is beautiful and quiet. Again, walang kuryente at signal dito. Meron akong nakitang mini tindahan in case you forgot to bring something. But for sure pricey dun. Amazingly, tall pine trees are found. Sabi ni mang Johnny, wala daw nagtanim sa kanila, after pumutok ng Pinatubo, bigla na lang tumubo nag mga pine trees na yan. Bongga!
tall pine trees
and im not tall
There's a famous attraction sa area, at ito yung Lagoon. Define Lagoon, di ko alam. Body of water na na-stuck? Whatever. This lagoon is lovely. Overlooking pa ang mountains.
Water is cold, knee deep lang. Clear yan, mejo mabrown lang sa shot kasi color yan ng floor. Mejo muddy. Trees are everywhere, but I like this one. Naghihingalo matumba. Cutey!
Let's go back to the sand. Sand is gray, not white. Not that fine, pero di masakit sa paa. Unlike sa Puerto Galera...
resting area
After an hour of exploring the place, we're ready to leave. Di kami dito nag-overnight.
NAGSASA
Mejo malayo and I think this place is still a bit unexplored compared to Anawangin and Capones. Kahit 1 oras ang byahe, nakakaaliw naman magpicture ng view. Again, walang signal at walang kuryente dito.
Finally at Nagsasa
Entrance or siguro maintenance fee is 100 each. Kasama na ang paggamit ng table. Btw, may clean rest room dito. Nice!
After we set our feet at Nagsasa, wala muna kaming nagawa but to eat. Gutom na gutom na kami. Here's our lunch cooked by Mang Johnny's wife, adobong pusit. P100 per kilo. P35 yung isang kilong kanin. Ayos, kasya yan hanggang dinner.
Sarap kumain. Konting pahinga then explore na agad ng place. Excited mode! Sa buong Nagsasa, 2 groups lang kaming andun.
mini lagoon with the mountain reflection
the other group, mga 8 persons sila
After magswim swim, time to relax and make chismisan! Perfect with some Mudshake. Buti may yelo si mang Johnny. Ang sarap ng mudshake ko.
Before magsunset, inayos na ang tent. Perstaym ko magbuild ng tent thru the tutorial ni Mang Johnny! Ganun lang pala yun kadali. Mang Johnny is also kind enuf to give us 2 tents kahit 4 lang kami. Ang bait nya.
sunset at Nagsasa
Nagdinner na kami with the natirang kanin at ulam. Dinagdagan nalang ng Century Tuna. Solb! Btw, inaral ko gumawa ng bonfire. Nagmamarunong ako. Pero bago palang dumilim, gumawa na si Mang Johnny ng bonfire for us. Answeet. He checked us from time to time kung ok lang kami at kung may kelangan kami.
We saw many many stars at fireflies! Amazed ako. Sayang cant take a good hot.
Eto na, sleeping time. Super na yung antok ko so I dont care kung gano katigas pala matulog sa sand. Curved kasi. Pero deadma, tulog na tulog ako unlike sa mga friends ko. Pag gising ko, grabe ang sakit ng likod ko!
We strolled and swim and enjoyed the place again. Ganda talaga. Btw, may mga fishermen na nakahuli ng baby pating. Ang galing, perstaym ko makakita ng pating (15-20 inches lang). Totoo palang may sharks! *winks*
i likey! ♥
Inayos na yung tent at nilagay na sa boat yung gamit namin para makapunta na Capones after. Sinundo kami ni Mang Johnny sa dulo para di na kami lumakad pabalik. Talino!
CAPONES
Well known for the light house. Too bad sobrang lakas ng alon kaya di nakakalapit. Pag umikot sa likod, it would take 1 hour to go there. ay, di masaya. Ang jinets na din kasi. So we decided wag nalang.
Another part ng Capones, sa bandang likod, ay yung madaming rock formation. Dun nalang kami. May nag-island hopping din ahead of us.
I enjoyed our stay here the most! Ang saya ng waves! Time for my pictorial na.
naisip kong magjumpshot kaso baka mabagok ang ulo ko
After this, we headed back to San Miguel. Inoffer ni Mang Johnny yung bahay nya para dun na kami maglunch at maligo. Ang ganda ng bahay nya. Ang bait din ng asawa nya. Nakinood pa kami ng Pacquiao-Cotto match. Feels like home.
Lovely Zambales escapade indeed! ♥
Thank you Mang Johnny (0920.222.4687), from the umbrella girls!
*all shots are from my point and shoot camera (only!)
57 responses:
all shots from my point and shoot camera (only)
WOW!
gusto ko ma-experience to.. photoshoot na!!! hahaha!
Wow!
Sobrang ganda!
hi sis! special mention pa talaga ako. hehe!
mas maganda nga sa nagsasa kesa anawangin. di na namin napuntahan yon kasi kulang kami sa oras.
i like your shots. ganda lalo na yong rocks!!! parang kapurpurawan sa ilocos norte.
rocky c",)
Wow! wow! at wow ulet,, ang gaganda naman ang mga pictures, nakaka aliw ang mga tanawin, great shot.
Gusto ko yung capones, tamang-tama sa akin yan, alkapones.. he he he
In fairness, ang cute mo pala pag naka-short.. he he he
WoW Hindi ko pinapansin ito pero dahil maganda ang review mo at pictures kasama ang talaga naman sexy na pictures mo hihihi ay pupunta na kame dyan now na LOL
ganda naman ng beaches... hay...
Ang gaganda ng shots mo, Chyng! Nakakainggit!
When I kids are probably bigger, we'll all go there para maexperience nila walang CR at kuryente.
I'm glad you enjoyed your trip. And oh, salamat sa contact number ni Mang Johnny.
wow saya naman.. nakakamiss kayong lahat.. next tym na lakad sama na kami ha.. and sobrang ganda ng pics mo chyng.. galing mo magpic... =)
you've featured the best of zambales. remains to be one of my favorite travel spots.
uy1 kakainggit ah, sarap naman dyan...ganun pala walang kahit signal ng cp.. tv na de baterya meron kaya.
musta na chyng!
@pukaykay
nagandahan lang po ako sa name.;)
galing nako capones e--baka pwedeng discount kapag dina kasama Capones---kaso yung 2 kasama ko dipa nakapunta Capones. Hmmm. Kaw kokontakin ko pag pumunta kami don ha. pag diko na talaga matiis kati ng paa ko kasi tipid mode uli kami ngyon e. Pero gusto ko talaga makapunta anawangin---and now, you added NAGSASA in my vocabulary. gusto ko tuloy pumunta na ngyn. salamat, salamat.....
@c3,
gola!
@jamie,
pabili din ako kung $40 lang. magkano tax?
@abiel,
hello! you should. bakasyon paminsan.
@rocky,
hi! thanks for the tips, and for checking us. na-enjoy namin ang trip. im looking forward sa trip natin next year. ;D
@albert,
honga, talino mo no. Alkapon = capones! haha
@jepoy,
go go go! saya jan!
@gilbert,
yeah, lapit pa.
@nicquee,
tingin ko maeenjoy din yan ng kid mo pag mejo malaki laki na sya. good experience.
@cel,
sama ka next time! ;D
@doms,
thanks for featuring Capones. Nagka-idea ako.
@ever,
walang masagap na signal.
@antonio,
ang gala mo lang.. hehe pag Anawangin lang 900 yata per boat. Plus 500 pag pupunta pang Nagsasa, i think. hehe
Hey Ching!
I so, so loooove your shots! The images are breathtaking! Inggit ako!
Wow, ang ganda.
We were supposed to go here in May last year, our contact was Mang Johnny rin, kaya lang nagkasakit ako. We never got around to rescheduling.
I want to go here na.
Ganda. Ilang minuto rin nawala sa isip ko na "ber" months na..Na feel ko ang summer...effective blogging. =)
@Pasyalera,
thank you!
@DEA,
go go!
@sir lloyd,
parang summer nga. may sunburn ako! ;D
Are you sure this are all in Zambalez only? I though you were in abroad with this pictures.
Can i copy some?
woooow i want to go there!
yoko rin nung mga may hotels...gusto ko camping e hahahahha :D
salamat for finding me---I'm afraid I have to say sorry though. I changed my url again---this time it's final na talaga. Sorry. a friend of mine proposed it to me so I said yes. please update it again. SALAMAT ng maraming marami.......
wow. nice! grabe ang ganda ng place. ampucha! very serene and mukhang very secluded.
sana makapunta din kami dyan ng family. summer maybe. pano nyo pla nakilala si mang johnny? thru a travel agency?
@cebu pics,
It's in Zambales "only". Copy my shots? For what? ;D
@steph,
i told you, sama ka sakin minsan!
@poot,
thru referral of online buddies. walang travel agency dun.. hehe
Nice photos of the places you had just visited. Ang galing ng mga kuha...
hi sis!
nice blog! i sooo love your pictures! sana ganyan din ako kagaling. =)
na-miss ko tuloy ang Anawangin. sobrang recommended na boatman si Mang Johnny. =)
♥ abbey ♥
Good day! I am Astrid Abesamis, Communication Arts graduating student from the University of Santo Tomas. Our thesis group would like to ask for your help by answering our survey about blogging. Can I ask for your email address so that I can email the survey questionnaire? We hope for your response. Thank you so much! God bless!
tama ka na malakas ang current sa anawangin! i was scared to death riding a small banca and looking our into the vast seas! grabe!!!
sarap balik balikan ang mga lugar na yan ano? :)
@dodong,
salamat sir!
@ast abe,
ok. leave your email address here then I'll email you..
@kg,
yung friend ko nagkadasuka na nga. it's fun! haha
@lantaw,
first time ko lang. na-enjoy ko. thanks for visiting. your photos are superb!
@abbey,
na-skip ko yung comment sayo. haha
thanks for recommending Mang Johnny and for the tips too.
nextime photoshoot tayo. ;D
as3d07@yahoo.com
thankyou so much!
Maganda pala ang Zambales! Wow! (Daming napa-wow dito ah.)
Matagal akong nagtrabaho sa North Luzon, pero walang farm na kailangan kong dalawin sa Zambales kaya hindi ko ito narating!
Kung noon lahar ang naiisip ko kapag maririnig ko ang lalawigan ng Zambales, sigurado ngayon magbabago na- ang mga magagandang tanawing nandito sa post mong ito, Chyng! o",)
ganda naman ng views dito...pati mga solo mo Chyng ang gaganda pero nag gain kba? hahaha juk lng
ganda nang mga pixs...hanga akoh sau... tuloy pa ren ang buhay moh... sana meron den akong ganyang strenght... ingatz..Godbless!-di
@rj,
yeah, kala ko lahat at Subic lang. Ngayon iba na! Ganda nga!
@DH,
rally? wow nag-gain ako!
@dhi,
Opcors girl. You have to help yourself. Let go and let God. He hears our prayers.
wow!! sarap naman... narinig ko na rin yang place na yan sa mga friends ko eh...
nagpaplano yung kapatid ko na pumunta dyan this december eh... Baka sumama ako... hehehe...
I also like your shots, nakuha mo talaga yung magandang scenes...
If you want another place like this, try mo yung Apo Reed sa Mindoro... Ang ganda rin dun, plus the wild life... Marine Sanctuary siya parang palawan...
sana makapunta din ako dyan!!!
kainggit.
tenks!
nadadagdagan ang list of MUST go places ko...
:P
@axel,
you should go. it's a nice experience, at least for me. thanks for recommending Apo Reef. Sama ko jan! ;D
@gege,
hello! better try this until it's not yet commercialized.
Chyng---ayan pwede na. na-fix ko na. link error yung una e. hehe
maulan kasi so I thought di masyado marami tao. not as many as I expected I guess~~
Sige, sana matuloy yung plano ng kapatid ko dyan para mapuntahan ko...
kaaliw naman ng photo captions mo.. :)
wow! bilib talaga ako sayo kaya paborito ko visit tong blog mo. ang ganda ng mga kuha! gusto ko tuloy pumunta dyan hehe. anong camera pala gamit mo sis?
^ Canon Ixus 85 Ü
Wow, your have a great pictures here. Anawangin Cove
gave me an idea where to spend my birthday.. :) barely a week to plan it.. kaya yan!.. :P
nanggigigil ako while reading through your post...whew...oh my..wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh pasigaw na..gusto ko na magpunta diyan!!!! HAHA
Hi Chyng! Nice photos huh and nice blog too! ;) Inggit ako sa travel adventures mo! You're so GALING! Magkano nga pala nagastos nyo for this trip? Try ko squeeze in sa sched namin this summer....
Nakakaenjoy talaga basahin blog mo Chyng! Hahaha! Eto totoo na to, punta kami jan this Saturday hehe! Napadaan ulet ako dito from Google. woot! Galing galing ng photos!
very well done description mam..id like to promote the no of our boatman also his so accomodating....09108162974 hwp plus his the most outstanding surfer..
Si manong johnny din ang contact namin! at ang bait nya sobra. haha. Sakto din na fiesta nung pagpunta namin (May 8) at pinakain pa nya kami sa kanila. May inuman session pa afterwards, ang hirap tumanggi kasi sobrang generous nyang host. waaah. Ang bait lang sobra.
really love the view and my friends planning to go there. Hope I'm with them. Nice Shoots :D
February 29, 2012 5:09 PM
Post a Comment