Saturday, November 7, 2009

Goodbye Fridates

Dear Ma,

Thank you sa concern. Silently inaalalayan nyo ko ni papa. Pansin ko
ang sasarap ng ulam lately para ganahan ako kumain. Saya!

Alam ko masyado ka din nabigla at nalungkot sa nangyari. Pero wag ka na
masyado mag-analyze at magtanong pa. Di ko din alam ang mga sagot sa
mga yan.


Nung lunes ng gabi na naghiwalay kami, bumitaw na din ako. I know he meant his goodbye, and I also meant mine. Salamat sa madaming nagdasal at naging madali ang acceptance. Dumerecho pa ko sa work nung gabing yun. Di ko naramdaman na naguluhan ang isip ko. Wala din akong gusto pang sabihin, malaman o marinig pa pagtapos nun. Gaya nung kami pa, ang motto nga namin "Kung ano ang sinabi ko sayo, maniwala ka lang. Pag di sinabi sayo, wag na wag mong aalamin". Mahirap daw yan sabi ng mga kakilala namin, pero naging komportable kami sa rules na yan. Hanggang sa huli, buo ang tiwala ko. Tinanggap ko na lang. Kaya nung umaga pag-uwe ko, first time ko ulit nakatulog ng 8hours na derecho. Ansarap.

Hindi dahil di mo ko nakikitang lumuluha ay di ako nasaktan. Nasaktan ako at nalungkot. Bago dumating ang lunes ng gabi na yun, nawalan ako ng gana sa lahat. Wala ng pagkain na masarap. Wala ng lugar na masayang puntahan. Alam ko mawawala na kasi siya. Pero ngayon di ko nalang makita kung ano pa ba ang dapat ko iyakan (well aside sa fact na ayoko ng dramahan, di naman kasi lahat ng bagay nakukuha pag inayakan mo) pero dahil kasi tinanggap ko na. Anlakas talaga ng power ng prayer. Ang dasal ko naman talaga ay i-heal ni God ang hearts namin bago pa dumating ang gabi na yun. Thank you Lord. I can honestly say Im ok. Sounds cliche and minus all the hypocrisy, Im really at peace.

Ma, wag ka na mag-isip at magtanong ha. Wala din naman mababago kung masagot man natin ang mga tanong mo kaya wag na.
Wag ka magagalit sa kanya. Wala siyang ginawang kasalanan sakin. Naging masaya ako nung kami pa. Kaya ngayon di ko mabitawan yung words na "sayang" at "nanghihinayang ako" dahil wala talaga. I loved and enjoyed every part of our relationship. That experience was God's blessing to me, and I'll always be thankful.

PS. Ma, please lang wag ka nga masyado madrama jan. Parang ikaw ang bagong break ha. Love you. *winks*
Chyng

13 virus-free reactions:

Chyng said...

BAWAL MAGCOMMENT
BAWAL MAGCOMMENT
at
BAWAL MAGCOMMENT


Iyay, a.k.a Ms. Cafe World 2009, you're a big help. I wouldnt be able to make this kung wala ang mga kadramahan mo at ka-harutan mo. I really appreciate na magkaron ng 1st ever female teammate/friend in you.

Sir Lloyd and Grace, I heit you! Yung texts mo ang nagpapaluha sakin, lahat heart felt. Salamat, alam kong nagpray kayo ng sobra. Invite me sometimes pag nasa Trinoma lang kayo.

Dred and Kat, mas naluha pa yata kayo parang si Mama ko nung nalaman nyo yung nangyare samin. Ramdam ko ang love. Salamat. See you soon!

Aina, natuwa akong makausap ka a day after. Nung niyakap kita, dun ko naramdaman yung "sayang". Di ko na kayo makakasama magbonding. Naging mabuti yung pamilya nyo sakin and I have always felt welcome since day 1. Dont worry, walang burahan sa FB! ;D

Sa madaming madaming nag-aaya sakin para lumabas at makipagkita,
thanks. Silently say a prayer nalang for us para sa healing. Mas gusto ko yan kesa makipag-inuman. Please lang! Ingatan nyo livers nyo.

Alkapon said...
This post has been removed by a blog administrator.
lenj said...
This post has been removed by a blog administrator.
Nana said...
This post has been removed by a blog administrator.
.pOot! said...
This post has been removed by a blog administrator.
dak said...
This post has been removed by a blog administrator.
Axel said...
This post has been removed by a blog administrator.
jimbo said...
This post has been removed by a blog administrator.
the donG said...
This post has been removed by a blog administrator.
Jerry said...
This post has been removed by a blog administrator.
PUSANG-gala said...
This post has been removed by a blog administrator.
RJ said...
This post has been removed by a blog administrator.
x'tian said...
This post has been removed by a blog administrator.